PAKIUSAP NG ASAWA NG OFW PAUWIIN NA ANG KANYANG GINANG

SIMULA nang ako ay nagsulat sa ating kolum na AKOOFW ay sandamakmak na liham na ang aking natatangap mula sa iba’t-ibang grupo at maging mula sa pamilya ng mga OFW. Isa na rito ang liham mula sa asawa ng isang OFW na nasa Saudi Arabia na labis-labis na ang pag-aalala para sa kanyang asawa. Bibigyan ko ng puwang ang kanyang buong sulat na ibig din niya iparating kay Pangulo ­Rodrigo Duterte. “Ako si Jun San Nicolas asawa ni Gina.Nakikiusap po ako na tulungan nyo pong makauwi ang aking asawa. Noong…

Read More

LEHISLATURA BINUSALAN! TRILLANES NAKA-ISKOR LABAN SA ADMINISTRASYON

MISTULANG sinansala ng ehekutibo ang plano ng lehislatura na magsagawa ng legislative Inquiry kaugnay ng nangyaring shootout o “misencounter”sa pagitan ng Quezon City Police District (QCPD) at ng Philippine drug enforcement agency PDEA sa lungsod Quezon. Gusto ba ninyong mapahiya? Sige tuloy nyo lang ang pagpapel sa nangyaring shootout sa lungsod Quezon. Hindi ko po sinasabing “EPAL” ang mababa at mataas na kapulungan ng kongreso ha? Mayroon lang kasing ilan dyan na gustong sumakay sa nangyaring diumanoy “misencounter”sa pagitan ng QC Police at Philippine drug enforcement agency (PDEA). Bakit kaya…

Read More

PAGPAPA-REPORT SA MGA ESTUDYANTE PARA SA GRADUATION PHOTOS IIMBESTIGAHAN NG DEPED

TITINGNAN ng Department of Education ang ulat na may ilang private learning institutions sa Maynila ang di umano’y nire-require ang kanilang pre-teen students na pumunta ng eskuwelahan para sa kanilang graduation photos. Ayon sa Inter-Agency Task Force (IATF) , ang mga kabataan na may edad 15 pababa ay nananatiling bawal lumabas upang maiwasan na kumalat ang COVID-19. Ang mga eskuwelahan sa ibang bansa ay nag-shift na sa remote learning para maiwasan ang pagkahawa. “Ito po’y ipinarating na namin sa Department of Education at sila po ay mag-iimbestiga na,” ayon kay…

Read More

EUA NG SINOPHARM HIHINTAYIN NI DUTERTE

HIHINTAYIN pa rin ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte ang emergency use authorization para sa COVID-19 vaccine ng Chinese state firm Sinopharm na mas pinili niya sa ibang vaccine brands. “Moot and academic na po iyang tanong na iyan,” ayon kay Presidential spokesperson Harry Roque nang hingan ng update sa naging pag-aaral ng Malakanyang kung magpapabakuna ba o hindi si Pangulong Duterte mula sa 10,000 Sinopharm doses na inaprubahan para sa kanyang security detail na binigyan ng “compassionate use”. “Maghihintay na lang po siya (Duterte) ng approval ng Sinopharm,” ayon kay…

Read More

COVID VACCINE ROLLOUT

Unang sumalang si Lt. Gen. Jose C. Faustino, Commanding General Philippine Army (CGPA) sa ceremonial COVID-19 vaccination na ginanap sa Army headquarters, Fort Bonifacio, Taguig City. Mensahe ng heneral sa kasundaluhan, “Remember that being inoculated is our duty to the country and to the Filipino people whom we have sworn to serve and protect.” (JESSE KABEL) 196

Read More

RAPE SUSPECT, 6 PA TIMBOG SA PNP-AKG

EKSAKTONG isang taon makaraan ang panghahalay sa stepdaughter ng kapatid, natunton at nadakip ang suspek ng mga tauhan ni PNP – Anti-Kidnapping Group director, P/BGen. Jonnel C. Estomo noong Lunes ng hapon, Marso 1, sa Pasig City. Ayon sa isinumiteng ulat kay P/BGen. Estomo, bandang alas-2:30 ng hapon nang madakip ng mga operatiba ng PNP-AKG IRAD, sa pamumuno ni P/Col. Edward Cutiyog, ang suspek na kinilalang si Edward Diaz Lising sa pinagtataguan nito sa #88 Dr. Pilapil St., Brgy. Sagad, Pasig City. Si Lising ay pakay ng warrant of arrest…

Read More

Hinila ng kaaway na mag-asawa SENIOR CITIZEN NAHULOG, KRITIKAL

CAVITE – Hindi pa nagkakamalay ang 66-anyos na lalaki makaraang mahulog mula sa hagdanan nang hilahin ng mag-asawa na kanyang nakasagutan sa Imus City. Unang dinala sa Ospital ng Imus ngunit inilipat sa Philippine General Hospital ang biktimang si Joaquin Buison, ng Brgy. Pag-asa 2, Imus City. Inaresto naman ng mga awtoridad ang mag-asawang Bobby, 54, at Gemma Sollegue, 46. Ayon sa ulat ni P/SSgt. John Carlo Punzalan ng Imus City Police, dakong alas-3:00 ng hapon noong Lunes nang magtungo ang biktima sa bahay ng mag-asawa. Ang pakikipag-usap ng biktima…

Read More

SENIOR CITIZEN NILAMON NG LUPA

DAVAO DE ORO – Nalibing nang buhay ang isang 70-anyos na lola nang matabunan ng lupa kasunod ng landslide noong Lunes ng hapon sa bayan ng Monkayo sa lalawigang ito. Ayon sa ulat ng Municipal Disaster Risk Reduction and Management Office (MDRRMO), kinilala ang biktimang si Rizalda Matambonoy. Bukod sa 70-anyos na biktima ay may naitala pang dalawang sugatan sa insidente. Nabatid sa MDRRMO officer na si Alicia Cabunoc, nito lamang Martes ng umaga narekober ang bangkay ni Matambonoy. Posible umanong naging sanhi ng landslide ang malakas na pag-ulan dulot…

Read More

CHINESE TRADER PATAY SA KAWATAN

BATANGAS City – Natagpuang patay sa loob ng kanyang tindahan ang isang negosyanteng Chinese national nitong Martes ng madaling araw makaraang looban ang kanyang tindahan sa New Market, Brgy. Cuta sa lungsod na ito. Kinilala ang biktimang si Chen Ling Ling, 34-anyos. Ayon sa ulat ng pulisya, bandang alas-5:00 ng madaling araw nang matagpuan ng helper na si Roldan Logronio Yuga, na wala nang buhay habang nakahandusay sa sahig sa tabi ng kaha ng pera ang among si Ling na may mga saksak sa iba’t ibang bahagi ng katawan. Pagnanakaw…

Read More