Permit sa community pantry katawa-tawa DIÑO SUPALPAL KAY DEFENSOR

PINAGSABIHAN ni Anakalusugan party-list Rep. Mike Defensor ang mga tinaguriang “armchair bureaucrats” na layuan at huwag pakialaman ang mga community panty na malaki ang naitutulong sa mga nagugutom na pamilyang Pilipino sa gitna ng pandemya. Hindi man pinangalanan si Department of Interior and Local Government (DILG) Undersecretary for Barangay Affairs Martin Diño, may pasaring si Defensor sa mungkahi aniya ng isang opisyal ng gobyerno na kailangang kumuha ng barangay, city at municipal permit ang mga nag-oorganisa ng community pantry. Ginawa ni Defensor ang pahayag matapos imungkahi ng Diño sa isang…

Read More

PNP, NCRPO hugas-kamay pero.. PANINIKTIK SA COMMUNITY PANTRIES TULOY

(NELSON S. BADILLA) PUTOK pa rin ang balitang tinitiktikan ng mga ahente ng pamahalaan ang mga organisador ng community pantries sa National Capital Region (NCR) kahit tahasang itinanggi ng pinuno ng National Capital Region Police Office (NCRPO) na ipinag-utos niya ang nasabing aksyon ng mga pulis. Sa paghuhugas-kamay, idiniin ni Major General Vicente Danao Jr. na hindi siya laban sa community pantries. Kahit ang pamunuan ng Philippine National Police (PNP) ay walang hakbang na kontra community pantries. Katunayan, tiniyak ni General Debold Sinas sa media na pinaiimbestigahan na niya ang…

Read More

Bunga ng Oplan Pagtugis at Salikop ng tropa ni Col. Silvio 6 ARESTADO SA CIDG-NCR

SA pagsisikap ng mga tauhan ni P/Col. Randy Glenn G. Silvio, ng Criminal Investigation and Detection Group-National Capital Region (CIDG-NCR), anim na wanted person ang nadakip sa ikinasang Oplan Pagtugis at Salikop sa iba’t ibang lugar. Sa isinagawang Oplan Pagtugis noong Abril 19, 2021, kinilala ang naaresto na si Gilford Andrew Fernandez y Espino, 20-anyos, binata, obrero, residente ng #404, BCDA MB 13, Pamayanang Diego Silang Village, Taguig City. Inaresto si Fernandez sa bisa ng warrant of arrest sa kasong paglabag sa RPC, Art. 285, ‘other light threats,’ na inisyu…

Read More

Community pantries NO PERMIT SA MAYNILA

NAGPAHAYAG si Manila Mayor Francisco “Isko Moreno” Domagoso na hindi kailangang kumuha ng permit para sa pag-organisa ng community party sa Maynila. Ayon sa alkalde, ito ay bilang patunay na “goods deeds need no permit”. Ang pahayag ng alkalde ay kasabay ng utos kay Manila Police District (MPD) Director P/BGen. Leo ” Paco” Francisco na siguraduhing ang lahat ng police stations ay hahayaan ang community pantries at walang huhulihin alinman sa mga ito. “We don’t require permit. Good deeds need no permit. Nagpapasalamat ako sa Diyos na sa gitna ng…

Read More

11 PA PATAY SA COVID SA CAMANAVA

MULING nadagdagan ng 11 namatay dahil sa COVID-19 ang CAMANAVA (Caloocan, Malabon, Navotas, Valenzuela) area noong Abril 20. Ayon sa ulat, lima ang namatay sa Caloocan City at 1,663 ang active cases. Pumalo na sa 23,702 ang kumpirmadong kaso sa lungsod, kung saan 21,364 na ang gumaling at 675 na ang namatay. Tatlo naman ang patay sa Valenzuela City at 1,054 ang active cases makaraang 138 ang gumaling at 104 ang nagpositibo. Sumampa na sa 15,893 ang tinamaan ng COVID sa lungsod at sa bilang na ito ay 14,454 na…

Read More

45 LUGAR SA QC LOCKDOWN PA RIN

NANANATILING nasa ilalim ng Special Concern Lockdown Areas (SCLA) ang 45 lugar sa Quezon City dahil sa mataas na mga kaso ng COVID-19 ng nasabing lungsod. Partikular na lugar lamang ang sakop ng SCLA at hindi buong barangay. Ang SCLA, hanggang Abril 20, 2021, ng Quezon City government, ang tinukoy na mga lugar sa barangay na isinailalim sa 14-day Special Concern Lockdown dahil sa pagtaas ng bilang ng COVID-19 cases. Ang mga area ay ang bahagi ng Isarog St., Barangay Paang Bundok; bahagi ng Scout Limbaga Extension, Brgy. Sacred Heart;…

Read More

Rape victim na nagreklamo laban sa 11 pulis, pinatay INDEPENDENT PROBE HIRIT NG SOLON

NAGPAHAYAG ng matinding pagkagalit ang kinatawan ng mga kababaihan sa Mababang Kapulungan ng Kongreso hinggil sa pagpatay sa isang babae na biktima ng robbery, extortion at rape sa Cebu na si Retchie Nepomuceno. Ayon kay Gabriela Party-list Rep. Arlene Brosas, nakagagalit ang pagpatay sa 35-anyos na biktima na naunang nagsampa ng kasong rape sa isa sa 11 pulis na ang natitirang 10 ay kinasuhan ng robbery, extortion at iba pang kaso, kaya hiniling nito na magkaroon ng “independent investigation” sa kasong ito. “The rape and killing of Retchie Nepomuceno adds…

Read More

ADIK, TULAK PUMALAG SA PARAK

SA ospital humantong ang isang umano’y manyakis na adik nang mang-agaw ng armas at mabaril ng pulis sa entrapment operation makaraang tangkaing gahasain ang isang dalagita na hindi niya nabuyong makipag-sex kapalit ng cellphone sa Caloocan City. Itinakbo sa Caloocan City Medical Center ang suspek na si Angelito Mandap, ng #335 Libis Talisay, Brgy. 12, nasa drug watchlist ng nasabing barangay. Ayon sa ulat, dumulog sa pulisya ang 15-anyos na si alyas “Bekbek” matapos tangkaing gahasain ni Mandap ngunit hindi nahikayat ng suspek na makipagtalik sa kanya kapalit ng cellphone.…

Read More

BIYAHERA BUKING SA PEKENG PASSPORT

NABUKING ang paggamit ng ibang pangalan ang isang babae para lamang makaalis sa ibang bansa, nang masakote ng mga tauhan ng National Bureau of Investigation-International Airport Investigation Division (NBI-IAID) sa NAIA Terminal 1 sa lungsod ng Pasay. Kinilala ni NBI Officer-In-Charge (OIC) Eric B. Distor ang suspek na si Bainisin Pulna alyas “Elsa Cornello Saladili”. Batay sa ulat ng NBI, papunta sa Saudi Arabia via Gulf Air flight si Punla noong Abril 16, 2021 nang kuwestiyunin ng Immigration officers. Naging kaduda-duda umano ang pahayag ng suspek kaugnay sa kanyang edad…

Read More