MULING nakapagtrala ng 17 patay sa COVID-19 ang CAMANAVA (Caloocan, Malabon, Navotas, Valenzuela) area noong Abril 21. Ayon sa ulat, siyam ang patay sa Caloocan City at 1,859 ang active cases. Pumalo na sa 24,014 ang tinamaan ng COVID-19 sa siyudad at sa bilang na ito ay 21,472 na ang gumaling at 684 na ang namatay. Lima naman ang namatay sa Malabon City at 382 na ang COVID death toll ng lungsod. Umabot na 93 ang nadagdag na confirmed cases at sa kabuuan ay 11,591 na positive cases, 693 dito…
Read MoreMonth: April 2021
PNP CLEARANCE SA DOLE TRANSACTIONS TINUTULAN
ISANG dagdag pahirap para sa mga manggagawa ang planong Philippine National Police clearance para sa lahat ng transaksyon sa Department of Labor and Employment (DOLE) at banta rin sa industrial peace sa bansa. Ito ang sinabi ng pinakamalaking labor unions federation ng bansa. Nauna rito, may panukala umano si PNP chief, P/General Debold Sinas sa DOLE na i-require ang police clearance sa lahat ng may mga transakyon sa kanila para madagdagan ang National Police Clearance System (NPCS). Ngunit ayon naman kay ALU National Executive Vice President Gerard Seno, ang pagre-require…
Read MoreAlamat ni Manny Pacquiao (Ika-24 Na Bahagi) Paano tinahak ni Manny ang daan tungo sa walong dibisyong kampeonato
Ni EDDIE ALINEA LABINDALAWANG taong singkad at ‘di matingkalang pawis at dugo ang pinuhunan ni Manny Pacquiao para mapasa-kamay ang karangalang maging kaisa-isang boksingero na nanalo ng walong pandaigdig na korona. Nagsimulang umani ng titulo ang ipinagmamalaki ng lahing Pilipino noong 1998, tatlong taon matapos siyang matutong magsuot ng glab, nang patulugin niya sa ikawalong round ang Thai na si Chatchai Sasakul at ariin ang korona ng lineal flyweight, na kauna-unahan niyang pandaigdig na kampeonato. Sa kasamaang palad, kung gaano kabilis niyang nakamit ang korona ay ganoon din kadaling nawala…
Read MoreQCPD NAGSARILI NG DISKARTE?
KUNG pagdududahan ang mga community pantry na isang pagtulong sa kapuwa ay itinayo diumano ng mga taong may koneksyon sa mga makakaliwang grupo, parang sinabi ng mga awtoridad na mas mabuti ang ginagawa ng mga ito kaysa sa kanila. Ganun ba yun mga Sir? Akalain mo ba namang pagdudahan ng mga tauhan ng Quezon City Police District (QCPD) si Ana Patricia Non na siyang pasimuno ng community pantry na may koneksyon daw sa partido komunista ng Pilipinas? Saan kaya humugot ang mga mga pulis na ito ng kabobohan at bakit…
Read MorePRICE CEILING SA IMPORTED NA KARNE DAPAT
WALANG plano ang Malacañang na iurong ang kanilang Executive Order (EO) 128 na pagpapabaha ng karne ng baboy sa Pilipinas para punan daw ang kakulangan ng supply na naging dahilan nang paglobo ng inflation rate sa mga nakaraang mga buwan. Walang silbi ang mga resolusyon na nakatakdang ipasa ng Senado at Kamara para iurong ang kautusan ni Pangulong Rodrigo Duterte dahil mayroon siyang veto power. Pero hindi pinag-uusapan kung pagdating ba ng milyong milyong kilo ng karne ng baboy sa Pilipinas ay makakasiguro ba tayong mga consumers o ang mga…
Read MoreHUWAG KAYONG PALOLOKO SA MGA POLITIKO SA ELEKSYON
HINDI lang boboto ang mga botante sa magiging pangulo at panagalawang pangulo ng bansa, kundi maging sa mga tatakbo sa pagkasenador, kongresista, gobernador, bise – gobernador, alkalde at maraming iba pang posisyon. Ang hindi lang kasama sa halalan sa Mayo 2022 ay ang mga punong barangay, mga kagawad ng barangay at mga tserman ng Sangguniang Kabataan (SK), sapagkat sa Disyembre 2022 pa ang kanilang halalan. Sa eleksyong magaganap, payo ko ay huwag kayong paloloko sa mga politikong tatakbo sa eleksyon. Huwag na huwag kayong paloloko sa lahat ng mga kandidato…
Read MoreSa pagbasura sa electoral protest laban sa ‘malawakang pandaraya’ ng kampo ni Robredo BOSES NG PINOY BINALEWALA NG PET – MARCOS
(NELSON S. BADILLA) PAGBALEWALA sa boses ng mamamayang Pilipino hinggil sa tunay nilang inihalal sa posisyong bise presidente ng bansa noong 2016 ang tuluyang pagbasura ng Korte Suprema sa protestang elektoral ni dating Senador Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. Ito ang pahayag ng kampo ng dating senador dahil higit umanong pinahalagahan ng korte ang usapin ng “rule” (alituntunin) upang tapusin ang kanyang protestang elektoral laban kay Maria Leonor “Leni” Robredo. Partikular na binatikos ni Marcos ang “justice-in-charge” at “ponente” ng protesta na si Associate Justice Marvic Leonen dahil hindi nito kinilala…
Read MorePAGBABAKUNA SA MEDIA WORKERS KASADO SA HUNYO
SA darating na Hunyo nakatakda ang pagbabakuna sa mga nasa A4 category kasama ang media upang maprotektahan sila sa COVID-19. “Well, ang A4 po inaasahan natin as soon as vaccines are available, mga Hunyo magsisimula na tayo,” ayon kay Presidential spokesperson Harry Roque. Sa kasalukuyan ay nasa hanay pa ng mga senior citizen at mga may commorbidities ang nakasalang sa vaccination program ng gobyerno kung saan pasok sana si Sec. Roque. Subalit sinabi ng kalihim na hindi muna siya magpapabakuna dahil susulitin niya ang anti-bodies na mayroon siya. Masasayang lang,…
Read MoreP20K AYUDA SA ECC PENSIONERS APRUB NA
INAPRUBAHAN na ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte ang pagkakaloob ng P20,000 tulong pinansiyal sa Employees’ Compensation (EC) pensioners sa pribado at pampublikong sektor. Sa ilalim ng Administrative Order No. 39, ang one-time financial aid ay mako-cover ang mahigit kumulang na 31,000 pensioners ng Social Security System (SSS) at Government Service Insurance System (GSIS). “The ECC is hereby authorized to grant a one-time financial assistance of P20,000 to EC pensioners for permanent disability, permanent total disability and survivorship, in the private and public sectors, subject to the availability of funds and…
Read More