Nagsampa ng kasong kriminal ang Bureau of Customs (BOC)– Bureau’s Action Team Against Smugglers (BATAS) sa Department of Justice (DOJ) laban sa mga negosyante ng sigarilyo at mga agricultural products. Ang unang smuggling case ay laban sa Bianmintina Store at Storage sa Pasay City dahil sa umano’y labag sa batas na importasyon at pagbebenta ng iba’t ibang brand ng sigarilyo na nagkakahalaga ng mahigit 1.5 milyong piso. Lumabag ang nabanggit na kumpanya sa itinatadhana ng Customs Modernization and Tariff Act (CMTA) gayundin sa Customs Memorandum Order No. 20-2006 pati na…
Read MoreMonth: April 2021
Alamat Ni Manny Pacquiao (Ika-23 Bahagi) 8th Wonder of the World
Ni EDDIE ALINEA MAKARAANG muling mabigo ang ikalawang negosasyon na pagsabungin ang naghaharing WBO welterweight champion na si Manny Pacquiao at wala pang talong Amerikano na si Floyd Mayweather Jr., nasumpungan na lamang ng Pilipino na kalabanin sa ring ang hamak na mas malaki sa kanyang si Antonio Margarito. Itinakda ang pagtutuos ng dalawa noong Nobyembre 13, 2010 sa At&T Stadium, Arlington, Texas para sa bakanteng kampeonato ng WBC super welterweight (light-middleweight). Kapag nanalo ang Pambansang Kamao, magiging kaisa-isa siyang nilalang sa kasaysayan ng sweet science na hahawak ng korona…
Read MorePURO NGAWA WALA NAMAN GAWA
BAKIT kaya idinadamay na ng mga politikong puro ngawa ala namang gawa ang mga barangay o community pantry sa mga isyung ibinabato sa gobyerno? Hindi ba puwedeng kaya ginagawa ng ilan sa ating mga kababayan ang naturang damayan ay upang makatulong sa kanilang komunidad? Hindi ba puwedeng gayahin nyo na lang para kayo mismo ay makatulong na rin sa ating mga kababayan at mabawas – bawasan naman ang inyong mga milyones para itulong sa bayan? Hindi yung kaagad sasabihin ng mga puro ngawang mga politiko na senyales daw ito na…
Read MoreQC LGU HULI NA NAMAN SA PAGKILOS SA COMMUNITY PANTRY
ANG SAKSI ang isa sa unang nakapansin at naglathala sa pamamagitan ng aming Editoryal nang nauukol sa Community Pantry na sumibol sa kalye Maginhawa sa Diliman, Quezon City. Sa simula ay hindi naman ito masyadong pinapansin hanggang sa dumami na nang tuluyan ang mga residente sa lugar na pumipila para makakuha ng kanilang kailangan. Nagdatingan na rin ang iba’t-iba pang tulong at supply o sabi nga ay mga ‘essentials’ mula sa mga may mabubuting kalooban na yung iba ay galing pa sa iba’t-ibang lalawigan. Pagkatapos ng kalye Maginhawa, nasundan ito…
Read MoreTATLONG OFW MULA RIYADH, LEBANON AT JEDDAH, NANAWAGAN SA DFA-OUMWA
TATLONG OFW mula sa Riyadh, Jeddah at Lebanon na pare-parehong nakabilanggo ang nagparating ng kanilang panawagan sa Department of Foreign Affairs – Office of the Undersecretary for Migrant Workers Affairs (DFA – OUMWA) Sa pamamagitan ng kani-kanilang pamilya na humingi ng tulong sa AKOOFW na matulungan sana ang kanilang mga kaanak na makalabas ng kulungan at makauwi na sa bansa. Una na rito ang mensahe mula kay Nanay Shirley Magon na humihingi ng tulong para sa kanyang anak na si Retchel Magon. Ayon kay Nanay Shirley, apat na araw nang…
Read MoreFLOOD ALERT NAKATAAS PA RIN SA VISAYAS, BICOL REGION DULOT NG BAGYONG BISING
NANANATILI ang flood alert sa Eastern Visayas at Bicol region dahil pa rin sa epekto ng pananalasa ng Typhoon Bising na sinasabing nag-iwan ng anim na nasawi at nawawala. Sinasabing hindi bababa sa tatlo ang kumpirmadong namatay bunsod ng ilang araw na pag-ulan dala ng Bagyong Bising sa Kabisayaan at Timong Katagalugan. Nasawi ang 79-anyos na si Alberto Wales ng San Isidro Village matapos umanong madaganan ng natumbang puno ng niyog sa St. Bernard, Southern Leyte, ayon sa ulat ng regional Office of Civil Defense. Dalawang babae rin ang iniulat…
Read More36 Korean, Chinese, Indonesian players timbog LIVE ONLINE GAMING SA PASAY SINALAKAY
ARESTADO sa mga ahente ng Bureau of Immigration (BI) ang 36 aliens noong Lunes ng hapon sa magkakasunod na pagsalakay sa illegal online gambling company sa Double Dragon Plaza Tower 3 sa Pasay City. Ayon kay BI Commissioner Jaime Morente, nagsagawa ng imbestigasyon matapos makatanggap ang BI’s Intelligence Division ng reports hinggil sa mga dayuhan na nagtatrabaho nang walang kaukulang permits sa nasabing area. “We coordinated with PAGCOR and verified that this company is unlicensed and has no authority to operate,” ani Morente. Matatandaan na ang kumpanya ay walang authority…
Read MoreTRIKE DRIVER BINARIL SA ULO, NAKALIGTAS
PINANINIWALAANG may taglay na anting-anting ang isang tricycle driver na himalang nabuhay matapos barilin sa ulo ng isang security guard sa Malabon City. Palaisipan sa mga manggagamot sa Mary Johnston Hospital sa Tondo, Maynila kung bakit nananatiling buhay ang biktimang si Anthony Arcilla, 35, ng #78 Lutos St., Brgy. Longos, sa kabila ng tama ng bala sa ulo. Tinutugis naman ng mga pulis ang suspek na si Ralph Relly Galeos, 32, guwardya ng Dura Lex Security and Investigation Service Inc. sa #8C Adalia St., Brgy. Longos. Ayon sa ulat, alas-11:45…
Read MoreLALAKI TINADTAD NG SAKSAK
ISANG lalaking tadtad ng saksak ang matagpuang walang buhay at nakilala sa pamamagitan ng kanyang sedula sa Malabon City. Kinilala ang biktimang si Gemerson Purucan, 29, 5’4″ ang taas, katamtaman ang pangangatawan, residente ng Sitio 6, Dumpsite, Brgy. Catmon. Ayon sa ulat, alas-12:56 ng madaling araw nang matagpuan ng mga residente sa Sitio 6, Dumpsite, Brgy. Catmon ang katawan ni Purucan na duguan kaya agad iniulat sa barangay at pulisya. Natuklasang ang biktima ay tadtad ng saksak sa katawan. Blangko pa ang pulisya kung sino ang pumatay sa biktima at…
Read More