200 COVID ICU BEDS IDARAGDAG SA BULACAN

INIHAYAG ni Bulacan Governor Daniel Fernando kahapon, magdaragdag sila ng 200 Intensive Care Unit (ICU) beds para ma-accommodate ang mga pasyenteng mangangailangan nito partikular na ang mga severe o nasa high risk na kaso ng coronavirus disease (COVID-19) bilang bahagi ng kanilang COVID Surge Capacity Design. Kabilang sa mga hakbanging ipatutupad ng Pamahalaang Panlalawigan ay ang pagtalaga sa provincial hospital na ngayon ay Bulacan Medical Center (BMC) bilang COVID center facility kung saan ang OB Ward o maternity ward ang siyang gagawing additional ICU section para sa mga mayroong malalang…

Read More

5 MAGKAKAANAK, NALASON SA SEAFOODS

LAGUNA – Naospital ang limang magkakaanak matapos na umano ay malason sa kinaing seafoods na kanilang inorder sa isang ihaw-ihaw restaurant sa bayan ng Sta. Cruz sa lalawigang ito, noong Lunes ng gabi. Ginagamot sa Laguna Medical Center ang mga biktimang sina Jaime Onglengco, 22; Renan Onglengco Ortiz Jr., 27; Jeanel Batain Onglengco, 40; Joel Batain Onglengco, 48, at Mary Rose Onglenco Ortiz, 28, pawang mga residente sa Capitol Ville Subdivision, Barangay Gatid. Batay sa report ng pulisya, bandang alas-3:00 ng hapon nang mag-order ang mga biktima ng isang platter…

Read More

Dumayo sa karera ng kalapati RIDER PATAY SA VAN SA LAGUNA

LAGUNA – Patay ang isang lalaking rider na dumayo lamang sa probinsya para sa karera ng kalapati, matapos na ang minamaneho nitong motorsiklo ay bumangga sa isang van sa national road sa Brgy. Halayhayin, sa bayan ng Siniloan sa lalawigang ito, noong Lunes ng umaga. Kinilala ang namatay na si Darwin Macamus Francisco, 31-anyos, Lalamove driver at residente sa Nangka, Marikina City. Batay sa report ng pulisya, pauwi na sa Marikina galing sa Laguna ang biktima nang sumalpok ang motorsiklo nito sa tagiliran ng L300 van na minamaneho ng isang…

Read More

BAGONG PANGANAK TIMBOG SA SHABU

RIZAL – Bagama’t bagong panganak sa caesarian section, hindi nagpaawat ang isang babae sa pagtutulak ng ilegal na droga at nadakip sa buy-bust operation sa Sitio Pinagpala, Brgy. Kalayaan sa bayan ng Angono sa lalawigang ito. Kinilala ni P/Lt. Col. Noel Campos, Angono chief of police, ang suspek na si Erica Custodio y Doldolia, 20, walang trabaho at nakatira sa Sitio Pinagpala, Brgy. Kalayaan sa nabanggit na bayan. Makaraang matanggap ang impormasyon hinggil sa ilegal na aktibidad ng suspek ay nagkasa ng buy-bust operation ang mga tauhan ng Angono Police…

Read More

ONLINE RETAILER HULI SA 1.9 KG NG MARIJUANA

CAVITE – Arestado ang isang online retailer makaraang mahulihan ng mga operatiba ng tinatayang 1.9 kilo ng marijuana sa Imus City, sa lalawigang ito. Ayon sa ulat na nakarating kay CALABARZON Regional Director Brig. Gen. Felipe Natividad, kinilala ang suspek na si Joseph Gelilang, 22, isang online retailer. Napag-alaman, nagsagawa ng buy-bust operation ang pinagsanib na pwersa ng Regional Drug Enforcement Unit 4-A, Regional Intelligence Division Special Operations Unit 4A, Imus City Police at PDEA Cavite sa Brgy. Carsadang Bago 1, Imus, Cavite laban kay Gelilang. Nakumpiska mula sa suspek…

Read More

P2.5-M SHABU NASABAT SA JOBLESS

QUEZON – Nadakip ang isang binatang tambay na umano ay tulak ng ilegal na droga, makaraang makumpiskahan ng P2.5 milyong halaga ng shabu sa buy-bust operation sa bayan ng Candelaria sa lalawigang ito, noong Lunes ng gabi. Kinilala ng Candelaria Police ang suspek na si Mark Delfin Alinea Sarmiento, 23-anyos, residente ng Barangay Malabanban Sur. Batay saa report ng pulisya, isinagawa ng magkasanib na pwersa ng Candelaria Police at Quezon Provincial Intelligence Branch ang buy-bust operation laban sa suspek dakong alas-9:00 ng gabi at nakabili ang isang operatiba ng isang…

Read More

EPEKTO NG 2 WEEKS ECQ ‘DI PA RAMDAM

WALA pa ring nakikitang pagbaba sa naitatalang kaso ng COVID-19 kahit lumipas na ang dalawang linggo matapos ang pagpapatupad ng enhanced community quarantine (ECQ). Ayon kay Sec. Harry Roque, masasabing bahagya lamang ang naging pagbaba ng kaso kahit pinahigpit ang quarantine status sa nakalipas na linggo. “Well, sa totoo lang, hindi pa natin nakikita iyong pagbaba ng numero matapos iyong dalawang linggo natin na ECQ,” ayon kay Sec. Roque. Aniya, umaasa silang sa ikatlong linggo ay makikita na ang epekto nito. “Pero inaasahan pa rin natin na siguro matapos ang…

Read More

13M COVID VACCINES MAGKAKASUNOD DARATING

TINATAYANG aabot sa 13 milyong doses ng COVID-19 vaccines na may iba’t ibang brand ang inaasahang darating sa second quarter ngayong taon. Ibinahagi ni NTF COVID-19 Chief Implementer at Vaccine Czar Carlito Galvez Jr., ang sunod-sunod na iskedyul ng pagdating ng bakuna laban sa COVID-19. Sa Talk To The People ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte, sinabi ni Galvez na mahigit 2 milyong doses ng bakuna ang darating ngayong Abril. Parating din aniya ang may 20,000 na Gamaleya at Sputnik sa Abril 22. Ito aniya ang tinatawag nilang mini rollout dahil…

Read More

Pharma companies malamig sa kampanya ni Defensor WALANG KITA SA IVERMECTIN

AYAW itulak ng malalaking pharmaceutical companies ang paggamit ng Ivermectin dahil napakamura ng nasabing gamot na sinasabing mabisa laban sa COVID-19 kaya wala silang kikitain. Ito ang opinyon ni Kabayan party-list Rep. Ron Salo na nadagdag sa bilang ng mga mambabatas na sumusuporta sa paggamit ng Ivermectin na sinimulan ni Anakalusugan party-list Rep. Mike Defensor. “It seems na wala talagang magpu-push ng Ivermectin dahil wala nang patent at sobrang mura. So we cannot expect the pharma industries to push for it dahil hindi sila kikita,” ani Salo. Nagkakahalaga lang ang…

Read More