UPANG mapalakas pa ang health care capacity kasunod ng patuloy na pagtaas ng naitatalang COVID-19 cases, minabuting magdagdag pa ng 45 medical frontliners ang Manila City government. Sa Facebook post, sinabi ng lokal na pamahalaan na ang 40 sa health workers ay magtatrabaho sa Ospital ng Maynila Medical Center (OMMC) habang ang lima rito ay magdu-duty naman sa Ospital ng Sampaloc. Sa OMMC, kabilang sa mga bagong hire na medical frontliners ay limang medical specialist (doctors); 14 nurses; 18 administrative aide III; isang nursing attendant, isang dental aide at isang dentist II.…
Read MoreMonth: April 2021
COVID-19 POSITIVITY RATE NG QC TUMAAS SA 26%
MULING tumaas ang COVID-19 positivity rate ng Quezon City sa 26 porsyento sa pinakahuling ulat ng OCTA Research ng University of the Philippines (UP). Ayon sa OCTA Research, mas mataas ito sa pamantayan ng World Health Organization na 5%. Ipinapakita nito ang dami ng nagpopositibo mula sa isinasagawang testing. Umabot sa tinatayang 4,000 ang testing capacity ng Quezon City sa nakaraang linggo. Samantala, inihayag naman ng OCTA Research na bahagyang bumaba ang bilang ng mga bagong kaso ng COVID-19 sa Lungsod. Batay ito sa April 12 na datos ng Department…
Read MoreSENADO KAY PRRD: PAGBABA NG TARIPA SA IMPORTED MEAT BAWIIN
INAPRUBAHAN ng Senado bilang Committee of the Whole ang resolusyon na humihikayat kay Pangulong Rodrigo Duterte na bawiin ang kanyang kautusan hinggil sa pagpababa ng taripa para sa imported pork. Ang resolusyon na iniharap ni Senate Minority Leader Franklin Drilon ay suportado ng 17 pang senador. “This can potentially spell the demise of our local hog industry, most of them what we call backyard hog raisers,” saad ni Drilon. Sa Executive Order No. 128 ni Pangulong Duterte, ibinababa sa 5-10 percent mula sa 20-30 percent ang taripa sa imported na…
Read MoreMEDIA WORKERS ISASALI NA SA A4 PRIORITY SA BAKUNA
IKINATUWA ni House Asst. Majority Leader Rep. Nina Taduran ang desisyon ng gobyerno na isama na ang media workers sa listahan ng mga susunod na batch ng priority group para sa pagbabakuna laban sa COVID-19. Ayon kay Taduran, nararapat lamang na magkaroon na ng agarang bakuna ang mga manggagawa sa industriya ng media dahil matagal na silang nakalantad sa pandemya dahil sa paghahatid ng balita sa sambayanang Pilipino. “Hindi naman huminto ang mga balita kahit may pandemya. Sumusugod ang mga mamamahayag kung nasaan ang panganib ng COVID para lamang makapaghatid ng…
Read MoreNAPAG-USAPAN NILA NI PUTIN, IBABAHAGI NI DUTERTE SA PUBLIKO
SINABI ni Presidential spokesperson Harry Roque na may Talk To The People si Pangulong Rodrigo Roa Duterte ngayong gabi. Tatalakayin at ibabahagi ng pangulo kung ano ang kanilang napag-usapan ni Russian President Vladimir Putin ‘via telephone”. “May Talk to the People po ang pangulo mamayang gabi kaya siya na po ang magsasabi kung ano ang napag-usapan nila,” ayon kay presidential spokesperson Harry Roque. Nauna rito, nagkaroon ng telesummit sina Pangulong Duterte at President Putin. Sa statement na inilabas ng Malacañang, muling nagkasundo ang dalawang lider na pag-ibayuhin pa ang kooperasyon…
Read MoreP30-M SMUGGLED PORK NAKAPASOK SA PINAS NOONG 2020
TINATAYANG P30 milyong halaga ng baboy ang ilegal na nakapasok sa bansa noong 2020 ngunit humagupit sa hanggang P450 kada kilo ang presyo ng baboy sa mga palengke. Lumitaw ang nasabing dami ng smuggled imported pork mula sa magkatunggaling bilang ng mga inangkat na baboy sa rekord ng Bureau of Customs (BOC) at Bureau of Animal Industry (BAI). Nabatid sa pagdinig sa Senado hinggil sa ibinunyag ni Senador Panfilo Lacson, mayroong ‘tongpats’ (binaliktad na salitang patong na ang kahulugan ay padulas) sa importasyon ng baboy na aabot ng P6 bilyon…
Read MorePINAKAUNANG PAMBANSANG OSPITAL, IPATATAYO NI CONG. NOGRALES SA RIZAL
Ni Joel O. Amongo Puno ngayon ng pag-asa ang mga mamamayan ng lalawigan ng Rizal dahil sa itatayong ospital dito sa ilalim ng Department of Health (DOH). Bunsod nito, noong Abril 12 ay nagsagawa ng ocular inspection si Rizal 2nd District Congressman Fidel Nograles sa lugar kung saan itatayo ang isang government hospital sa Brgy. San Jose ng Montalban sa naturang lalawigan. Kasama ni Cong. Nograles sa kanilang ginawang inspeksyon ay sina DOH Region IV-A CaLaBaRZon Director Dr. Eduardo Janairo at Department of Public Works and Highways (DPWH) Rizal-II District…
Read MoreP2-M SHABU NASAMSAM SA TAMBAY
ARESTADO ang isang lalaki makaraang makumpiskahan ng mahigit P2 milyong halaga ng umano’y shabu sa buy-bust operation sa Malate, Manila noong Martes ng gabi. Kinilala ang suspek na si Abdulmanan Buisan, alyas “Abdul,” 41, may asawa, tambay at residente sa FB Harrison St., Pasay City. Batay sa ulat ni P/Brigadier General Francisco “Paco” Francisco, district director ng Manila Police District, na isinumite kay NCRPO chief, P/Major Gen. Vicente Danao Jr., bandang alas-12:30 ng tanghali nang ilatag ang buy-bust operation sa FB Harrison St. at Pres. Quirino Avenue sa Malate. Sa…
Read MoreAlamat Ni Manny Pacquiao (Ika-22 Bahagi) Pangalawang usapan sa paghaharap nina Pacquiao at Mayweather, bigo muli
Ni EDDIE ALINEA SA bisa ng pag-agaw ng korona ng WBO welterweight noong 2009 kay Miguel Cotto ng Puerto Rico at matagumpay na pagtatanggol laban kay Joshua Clottrey ng Ghana, pinangalanan ang idolo ng bayan na si Manny Pacquiao ng Boxing Writers Association of America ng “Fighter of the Decade” 2000-2010. Nauna nang ginawaran ang Pambansang Kamao ng prestihiyosong ‘Sugar Ray Robinson Fighter of the Year’ noong 2006 at 2008. Ang dakilang heavyweight sa daigdig na si ‘Smokin’ Joe Frazier ang nag-abot kay Manny ng tropeo sa isang seremonyang ginanap…
Read More