BI-NAIA EMPLOYEE, SIBAKIN SA PANGINGIKIL SA MGA DAYUHAN

POSIBLENG masibak sa serbisyo ang isang tauhan ng Bureau of Immigration (BI) na nakatalaga sa BI-Border Control Intelligence Unit (BCIU) na si alyas “GL” sakaling hindi nito magawa ang kanyang naipangako sa tatlong Chinese ­nationals na sila’y maipasok sa bansa matapos na sila ay harangin ng immigration sa NAIA Terminal 2 noong June 9. Ang kinatawan ng kumpanya ng tatlo na Philippine Fiber Optic Inc. na nakabase sa bansa ay nakumbinsi umano ni GL na magbigay na lamang ng halagang isang milyong piso na “goodwill money” upang mailabas ang mga…

Read More

MULING PAGBUBUKAS NG LOKAL NA TURISMO SA PILIPINAS

ANG industriya ng turismo ang isa sa mga industriyang pinaka-naapektuhan ng pandemya, hindi lang sa Pilipinas kundi sa buong mundo. Malaki ang kontribusyon ng turismo sa ekonomiya ng bansa, kaya naging matindi rin ang epekto ng pagsasara nito sa kalagayan ng ating ekonomiya. Bilyun-bilyong pisong halaga ng potensyal na kita ang nawala sa bansa dahilan na rin sa resulta ng pandemya. Ayon sa datos ng ­Philippine Statistics ­Authority (PSA) nitong Hunyo, ang ­kontribusyon ng turismo sa ekonomiya noong 2020 ang naitalang pinakamababang kontribusyon nito sa loob ng dalawang dekada. Noong…

Read More

11-TAONG NAGDUSA SI OFW PEPITO BAGO MAKAUWI SA PILIPINAS

LABIS-LABIS ang aking kaligayahan nang malaman ko na ilan sa mga OFW na dumulog sa atin ay nakauwi na sa Pilipinas. Kabilang sa kanila si Tatay Pepito Siaton na OFW sa Jeddah, Saudi Arabia. Noong Marso 4 ng taong kasalukuyan, tinalakay ko rito sa aking kolum na may titulong “OFW na Senior Citizen Nanawagan ng Tulong” ang panawagan ni Tatay Pepito. Sa kanyang pagsasalaysay ng kanyang panawagan at paghingi ng tulong, sinabi niya na siya ay nakarating sa Saudi Arabia noong Abril 26, 2007. Ngunit, hindi nagtagal ang kanyang kumpanya…

Read More

PBA 46th Season, simula na sa Biyernes

MATAPOS makakuha  ng permiso mula sa Inter-Agency Task Force on Emerging Infectious Diseases (IATF-EID), ang Philippine Basketball Association (PBA) ay magbabalik para ipagdiwang ang ika-46 season nito apat na araw mula ngayon (Biyernes) sa Ynares Sports Arena sa Pasig City. Ito ang ikalawang beses na nabigyan ng pahintulot ang PBA na magbukas ng season sa gitna ng COVID-19 pandemic makaraan ang matagumpay na paglulunsad ng liga ng isang conference na bubble tournament sa Clark noong 2020. Ayon kay PBA Commissioner Willie Marcial, malaking utang na loob ito ng PBA at…

Read More

Solon kay Sec. Roque sa pag-ere ng PDP-Laban meeting PTV 4 ‘DI NETWORK NG MALACAÑANG

“PALUSOT!” Ganito inilarawan ni Bayan Muna party-list Rep. Carlos Zarate ang depensa ni Presidential spokesman Harry Roque na ‘newsworthy’ ang pulong ng PDP-Laban na inere ng government assets na PTV 4. “Nagpapalusot na lang ang Malakanyang dahil napulaan ang kanilang paggamit ng rekurso ng mamamayan para sa pagtakbo sa susunod na eleksyon ng kanilang mga kandidato,” ani Zarate. Ayon sa mambabatas, walang karapatan ang PDP-Laban lalo na si Pangulong Rodrigo Duterte na gamitin ang PTV 4 na pag-aari ng sambayanang Filipino para sa kaniyang interes pampulitika. Magugunita na noong Miyerkoles…

Read More

Api-apihan para pagtakpan ang mga kasalanan – solons TAUMBAYAN NILILINLANG NG ABS-CBN

(BERNARD TAGUINOD) KINASTIGO sa mababang kapulungan ng Kongreso ang pamumuan ng ABS-CBN dahil pinalalabas ng mga ito na sila ay inapi pero hindi isinaalang-alang ang paglabag nila sa Saligang Batas at panlilinlang sa taumbayan. Sa isang radio program nina Anakalusugan party-list Rep. Mike Defensor at Deputy Speaker Rodante Marcoleta, hindi matanggap ng huli na hanggang ngayon ay hindi inaamin ng ABS-CBN na ang dahilan ng pagpatay sa kanilang prangkisa ay ang kanilang mga paglabag sa batas. Noong Sabado (Hulyo 10), ang unang taon mula nang ibasura ng 70 congressmen ang…

Read More

VP DUTERTE PINABABASURA SA 2022 POLLS

TAHASANG nanawagan sa publiko ang pinakamalaki at malawak na alyansa ng mga unyon at pederasyon ng mga manggagawa sa bansa na tapusin na ang ‘paghahari’ ni Pangulong Rodrigo Duterte sa 2022. Idiniin din ng NAGKAISA Labor Coalition, ang katagang “ENDOterte” bilang pagtatapos sa pamumuno ni Duterte. Ang “ENDO” ay hinalaw sa panawagan ng NAGKAISA sa administrasyon na tuldukan ang sistemang “kontraktuwalisasyon” sa mga manggagawa dahil hindi binibigyang pagkakataong maging regular ang mga manggagawa sa mga kumpanyang kanilang pinapasukan at hindi rin nasusunod ang sahod na itinakda ng Minimum Wage Law.…

Read More

PAGSUGPO SA HUMAN TRAFFICKING PAIGTINGIN

BAGAMA’T napanatili ng Pilipinas ang “Tier 1” na status mula sa U.S. State Department para sa pagpapatupad ng minimum standards sa pagsugpo sa human trafficking, iginiit ni Senador Win Gatchalian ang pangangailangan ng mas maigting na kampanya laban sa lahat ng anyo ng human trafficking, kabilang na ang online sexual exploitation of children (OSEC). Ayon sa 2021 Trafficking in Persons Report ng U.S. State Department para sa Pilipinas, may nahatulang higit pitumpu (73) sa ilalim ng anti-trafficking act at mga kaugnay na batas. Karamihan sa mga ito ay nahuling nagsagawa…

Read More

Kontratista sa P1.1-B contract sa DepEd NAMUMURONG MA-BLACKLIST

HANGAD ng administrasyong Duterte na iukol ang nalalabing panahon ng kanyang panunungkulan sa pagpuksa sa katiwalian at iyan mismo ang pinanghahawakan ng Department of Education nang magpasya itong rebisahin ang isang P1.1-bilyong transaksiyong nasungkit ng JC Palabay Enterprises Inc., gamit ang mga “dinoktor” na dokumento. Sa isang liham na ipinadala sa SAKSI Ngayon ni Education Undersecretary Salvador Malana, lubos siyang nagpasalamat sa mga mapanuring peryodistang naging daan upang lalo pa nilang pagbutihin ang kanilang trabaho sa ahensiyang may mandatong tiyakin ang kalidad at integridad ng edukasyon para sa mga Filipino.…

Read More