RETIRED ARMY GENERAL KINASUHAN NI ACORDA

TINOTOO ni Philippine National police chief Police General Benjamin Acorda ang pahayag na walang kapatawaran ang pagpapakalat ng malisyosong isyu hinggil sa umano’y banta ng destabilisasyon laban kay Pangulong Ferdinand Marcos Jr., kung saan kinaladkad ang pangalan niya at ni Armed Forces Chief of Staff General Romeo Brawner. Ito ay nang pormal na maghain ng kaso sa Quezon City Prosecutor’s Office si Gen. Acorda Jr., laban sa dating heneral na ngayon ay vlogger na kinilalang si Johnny Lacsamana Macanas, bunsod ng mapanirang post sa social media. Kinumpirma ni AFP Spokesman…

Read More

Flavo Rosa at LBC: Samahang Tungo sa Patuloy na Tagumpay

30 NOV 2023: Manila, Philippines: Ang mga negosyo na ang puhunan ay creativity at craftsmanship ay hindi madali. Kailangang mabalanse ang dalawang aspetong ito ng negosyo: una: ang passion at artistry na syang nagbibigay buhay sa mga produkto; at, ikalawa: ang kumplikadong aspeto ng logistics na mahalaga para mapatakbo ng maayos ang isang negosyo. Bagama’t maraming businesses ang tumutuon lang sa isang aspeto, napagsabay ang dalawang aspetong ito ng Flavo Rosa, isang brand na kilala sa tradisyunal at de kalidad na Barong Tagalog. Sa tulong ng LBC Express, Inc. napapanatili…

Read More

HUWAG IPAGMALAKI ANG WALA PA

DPA ni BERNARD TAGUINOD MAPAPAILING ka na lang kapag ipinamalita ng gobyerno na nakaipon na raw sila ng P4 trilyong investment na nakuha ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr., sa kanyang foreign trips mula nang naging Pangulo ito ng bansa. Malinaw na propaganda lang ito para bigyang katwiran ang kanyang mga biyahe na ginagastusan natin ng bilyong-bilyong piso, dahil ipinagmamalaki sa atin ang isang bagay na wala pa. Magandang pakinggan na may naipon siyang P4 trilyong halaga ng proyekto at negosyo na ipapasok ng mga negosyante mula sa mga bansang…

Read More

KASONG GRAFT VS DENR CHIEF ISASAMPA SA OMBUDSMAN

PUNA ni JOEL O. AMONGO PINAG-AARALAN na ng legal team ng nasa isang libong magsasakang biktima ng malawakang land grabbing ng Yulo King Ranch sa mga bayan ng Coron at Busuanga, Palawan, ang pagsasampa ng kasong graft laban kay Department of Environment and Natural Resources (DENR) Secretary Ma. Antonina Yulo-Loyzaga dahil sa “CONFLICT OF INTEREST”. Si Yulo-Loyzaga ay nahaharap ngayon sa kontrobersiya dahil sa pag-angkin sa 40,000 ektaryang lupain sa dalawang nabanggit na bayan sa Palawan na inirereklamo ng mga magsasaka. Ayon kay Katipunan ng mga Samahang Magbubukid sa Timog…

Read More

PUV MODERNIZATION HINILING SUSPINDEHIN, ‘DI PA NAPAPANAHON – SEN. PIMENTEL

BALYADOR ni RONALD BULA UMAPELA si Senate Minority Leader Koko Pimentel sa pamahalaan na suspindehin ‘indefinitely’ o walang taning, ang PUV Modernization Program (PUVMP). Ayon kay Pimentel, sa ngayon ay hindi pa niya masasabing kailangan ang PUVMP dahil may kasalukuyan namang mga regulasyon tulad sa pagkontrol sa air pollution na siyang problema sa mga lumang jeepneys, na dapat ma-execute o maipatupad muna ng pamahalaan. Payo ng senador na magpreno muna ang gobyerno sa implementasyon ng programa at pansamantalang ipagpaliban ang ipinapataw na deadline tulad ng anim na buwan hanggang isang…

Read More

WALANG DAPAT IPAGBUNYI

EDITORIAL BUMAGAL sa 3.9 percent ang inflation rate o bilis ng pagtaas ng presyo ng mga bilihin at serbisyo sa bansa nitong Disyembre 2023, ayon sa Philippine Statistics Authority. Mas mababa ito sa 4.1 percent inflation rate noong November 2023. Ang pagbagal ng inflation ay dahil sa mas mabagal na pagtaas ng singil sa kuryente, tubig, gas, pagbaba ng presyo ng housing at ng mga pagkain. Ikinatuwa ni Presidente Ferdinand Marcos Jr. ang magandang balita, at nangakong palalakasin pa ang agrikultura para mas maging abot-kaya ang presyo ng pagkain at…

Read More

Para masiguro ang Cha-cha MAHIHIRAP SUSUHULAN NG MGA POLITIKO

DISMAYADO ang Kabataan party-list group dahil imbes tulungan makaahon sa kahirapan ang mga Pinoy ay gagamitin pa ang mga ito para matiyak ng mga politiko na magtagal sila sa kapangyarihan. “Sa halip na tugunan ang mas matinding kagutuman at kahirapan sa ating bayan, pinagsasamantalahan pa ito ng mga nasa kapangyarihan para lokohin ang kapwa Pilipino at tiyakin ang poder nila sa pamamagitan ng Charter change,” ani Kabataan Party-list Executive Vice President Renee Louise Co. Naniniwala ang grupo na isa si Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr., sa nasa likod ng Cha-cha…

Read More

AMBISYONG PULITIKA SA CHA-CHA SA KAMARA

DISMAYADO ang isang mambabatas sa Kamara dahil imbes resolbahin ang pagtaas ng presyo ng bigas ay ang Charter change (Cha-cha) ang inaatupag ng mga ito. Ayon kay ACT party-list Rep. France Castro, tumaas ng P2 ang presyo ng kada kilo ng pinakamurang bigas sa bansa kahit unti-unti nang dumarating ang mga inangkat sa ibang bansa tulad sa India. “Hindi Cha-cha ang pangunahing pinoproblema ng mamamayan kundi ang taas ng presyo ng mga bilihin, lalo na ng bigas,” ani Castro. Sinabi ng mambabatas na inaasahan na lalong dadami ang bilang ng…

Read More

2M BASURA NAKOLEKTA SA KALINISAN PROGRAM

NAGAWA ng administrasyon ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. na makakolekta ng mahigit sa 2.6 million kilograms ng basura mula sa paglulunsad ng Kalinga at Inisyatiba Para Sa Malinis na Bayan (KALINISAN) Program ng gobyerno. Mahigit 9,000 barangay ang nagpartisipa rito. Base sa national status report ng Department of Interior and Local Government (DILG) nitong Linggo, makikita na nakakolekta ang KALINISAN program ng 2,646,948 kilograms ng basura mula sa 9,189 na nagpartisipang barangay sa bansa. Iniulat din ng DILG na 580,000 indibidwal ang nagpartisipa sa clean-up drive kasama ang 109,939…

Read More