HULING BARAHA NG LABAN SA JEEPNEY MODERNIZATION

MY POINT OF BREW ni JERA SISON NATAPOS na ang deadline ng LTFRB upang ma-consolidate ang lahat ng mga jeepney bilang unang hakbang sa modernisasyon ng nasabing pampublikong transportasyon. Ang siste kasi dito sa tinatawag na consolidation ay upang sumali ang mga indibidwal na mga operator ng jeepney sa mga kooperatiba o korporasyon. Ayon sa ating pamahalaan, malaking tulong kasi ito sa planong modernisasyon. Mas madaling umutang sa bangko para makabili ng makabagong sasakyan. Nagreresulta ito sa pag-aalis ng maitim na usok mula sa tambutso ng mga lumang jeepney. Maaari…

Read More

POTENSYAL NA MAKATUTULONG SA PAGPAPALAGO NG TURISMO SA BANSA

THINKING ALOUD ni CLAIRE FELICIANO BUHAY na buhay na naman ang turismo sa bansa. Nang matapos ang pandemya, talaga namang naging matunog ang “revenge travel” at napakarami ang namamasyal kung saan-saan. Bumalik na rin ang kaliwa’t kanang seat sales ng mga airline, at ang tour packages na inaalok ay hindi lamang sa mga dayuhan kundi para rin sa mga lokal na turista. Ayon sa Department of Tourism (DOT), umabot na sa higit sa dalawang milyon ang international arrivals mula Enero hanggang Abril ngayong taon. Nasa 94 na porsyento nito ay…

Read More

SAHOD NG BSP OFFICIALS SAMPAL SA MGA OBRERO, GURO

NAKAEESKANDALO at sampal sa mga manggagawa sa gobyerno lalo na sa public school teachers ang milyun-milyong pisong sahod ng mga opisyales ng Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP). Ganito ang paglalarawan ni House deputy minority leader France Castro matapos ilabas ng Commission on Audit (COA) na ang pinakamataas na sahod sa gobyerno ay si BSP Gov. Eli Remolona Jr., na umaabot sa P35.48 million. “It is utterly unacceptable that BSP Governor Eli Remolona Jr. takes home a net pay of P35.48 million, while our teachers are forced to live on a…

Read More

Sa paglutang ng drug use issue TAGUMPAY NG DRUG WAR NI MARCOS JR. LUMABO

NANGANGAMBA ang isang anti-crime group na mabalewala ang kampanya ng administrasyong Marcos laban sa ilegal na droga ngayong mismong Pangulo na ang inaakusahang gumagamit. Ayon sa grupong Anti-Crime and Community Emergency and Response Team (ACCERT), kailangang agad matapos ang kontrobersya hinggil sa paggamit umano ng droga ng Pangulo. “Dahil hindi niya puwedeng labanan o sugpuin ang isang malaking problemang ito sa ating bansa ang droga kung siya mismo ay naku-question ang kanyang integridad patungkol dito,” ayon kay Edwin Maniti, Vice President for Operation ng ACCERT. Noong isang linggo ay dininig…

Read More

Alitagtag drug haul nagresulta ng kontrobersya ‘PAPOGI’ KAY BBM SUMABLAY

(SAKSI NEWS TEAM) SA halip makatulong sa imahe ng administrasyong Marcos ay negatibo ang naging resulta ng Alitagtag drug bust na unang iniulat na biggest drug haul ngunit kalaunan ay binawi ng mga awtoridad. Katunayan, sa isang pahayag ay sinabi ni dating Presidential Spokesperson Atty. Harry Roque na embarrassment ang kinalabasan imbes maging achievement ang pagkakasamsam sa tinatayang P9.68 billion halaga ng droga sa nasabing bayan sa Batangas kamakailan. “Biglang naglahong parang bula ‘yung biggest drug haul in history. Winagayway pero it lasted for one day kasi nga biglang nawalan…

Read More

PAG-ANGKAT NG BIGAS IPAPASA SA DA, DTI

MAGIGING rice importer ang Department of Agriculture (DA) at Department of Trade and Industry (DTI) kung hindi magkasundo ang Kongreso na ibalik ang trabahong ito sa National Food Authority (NFA). Ito ang isiniwalat ni House committee on agriculture chairman at Quezon Rep. Mark Enverga sa planong amyendahan ang Republic Act (RA) 11203 o Rice Tariffication Law (RTL) na tinatrabaho ngayon ng Kongreso. “Hindi pa kami sarado sa usapin na dun (na ibalik sa NFA ang pag-angkat ng bigas). May dalawang opsyon kaming tinitingnan,” ani Enverga. “There is an option ng…

Read More

PAGSASAMA-SAMA NG MGA DISMAYADO SA BBM ADMIN TULOY

(SAKSI NEWS TEAM) NAKANSELA man ang itinakdang peace rally sa Bustos, Bulacan, patuloy pa rin ang pagsasama-sama ng mga grupong dismayado sa kasalukuyang administrasyon. Nabatid ng SAKSI Ngayon na muling magdaraos ng Hakbang ng Maisug prayer for peace rally sa Martes (May 7) ng hapon sa Dumaguete City, Negros Oriental. Inaasahang dadaluhan pa rin ito ng mga prominenteng indibidwal at grupo na nagpapakita ng pagiging diskontento at dismayado sa administrasyon ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. Matatandaang sinabi ni Chief Presidential Legal Counsel and Presidential Spokesperson ng nagdaang administrasyong Duterte, na…

Read More

FOOD STAMP GAGAMITIN KONTRA GUTOM

GAGAMITIN ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) ang Walang Gutom 2027 food stamp program para targetin na tugunan ang food insecurity at pagkagutom na kinahaharap ngayon ng mga Pilipino. “‘Yung food insecurity na 2% ‘yung target ng food stamp program na ma-address,” ayon kay DSWD spokesperson Assistant Secretary Irene Dumlao sa isang panayam. Ang pahayag na ito ni Dumlao ay bilang tugon sa resulta ng survey ng Social Weather Stations (SWS) na ginawa noong Marso 21 hanggang 25 kung saan nagpapakita na ang pamilyang Pilipino ay nakaranas ng…

Read More

ABANDONADONG ESKWELAHAN SA IMUS CITY, NINAKAWAN

CAVITE – Nilimas ng isang lalaki ang ilang computer set ng isang abandonadong eskuwelahan sa Imus City noong Sabado ng gabi. Subalit nabigo naman ang suspek na si alyas “Juanito” na maiuwi ang nasabing mga computer set dahil may mga mata na nakamanman sa kanya sa kanyang pagtakas. Ayon sa ulat, bandang alas-12: 30 ng hapon nang puwersahang pasukin ng suspek ang School of Montessori Professional College sa Brgy. Bayan Luma VII, Imus City, sa pamamagitan ng puwersahang pagsira ng padlock nito sa labas. Nang makapasok, pinutol nito ang mga…

Read More