MANDAUE CITY MAYOR SUSPENDIDO SA ILLEGAL APPOINTMENT

INIUTOS ng Office of the Ombudsman ang suspensyon kay Mandaue City Mayor Jonas Cortes dahil sa ilegal na pag-appoint ng isang indibidwal sa isang posisyon. Sa isang dokumento mula sa Ombudsman, napatunayang nagkasala si Cortes ng Grave Misconduct at Conduct Prejudicial to the Best Interest of the Service. Dahil dito, suspendido si Cortes sa serbisyo ng isang taon nang walang sahod. Nilagdaan ni Napoleon Regan Malimas, graft investigation and prosecution officer ng Ombudsman, ang nasabing kautusan. Ito ay nag-ugat sa reklamo ng isang pribadong indibidwal kaugnay ng pagtatalaga ni Mayor…

Read More

SUPORTA SA PRANGKISA NG MERALCO

Thinking Aloud ni CLAIRE FELICIANO INENDORSO na ng Committee of Legislative Franchises ng Mababang Kapulungan ng Kongreso ang pag-renew ng 25 taong prangkisa ng Meralco na isang mahalagang hakbang para masigurong patuloy na mabibigyan ng serbisyo ng kuryente ang libu-libong mga konsyumer nito. Ayon kay Congressman Gus Tambunting, nakatanggap din ang komite ng mga statement of support mula sa mga grupong sumasakop sa iba’t ibang industriya para sa Meralco. Kaya nga ang malawakang suporta para ma-renew ang prangkisa ng Meralco ay nagpapakita ng mahalagang papel na ginagampanan nito sa lipunan…

Read More

MAGKAPATID NA ALICE AT WESLEY GUO NAKALABAS NA NG BANSA

RAPIDO NI PATRICK TULFO NAKALABAS na raw ng bansa si dating Bamban, Tarlac mayor Alice Guo at ang kapatid nitong si Wesley Guo. Ito ang rebelasyon ni Sen. Risa Hontiveros sa Senado nito lang Lunes. Ayon daw sa source ng senadora, nasa Kuala, Lumpur, Malaysia na ang mga ito noon pang July 18. At mula raw sa Kuala, Lumpur ay dumiretso si Guo sa Singapore kung saan kinita nito ang kanyang mga magulang na sina Li Wen Yi at Guo Jian Zhing na galing daw ng China at dumating sa…

Read More

APAT NA TAON PANG BUBUSUGIN NI BBM SA AYUDA MGA PINOY

CLICKBAIT ni JO BARLIZO IPINANGALANDAKAN ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na nakapagbigay na sila ng kabuuang P17 bilyon na halaga ng serbisyo at tulong pinansyal sa higit 2 milyong benepisyaryo sa iba’t ibang panig ng bansa sa pamamagitan ng Bagong Pilipinas Serbisyo Fair (BPSF). Nangyari ang, sabihin na nating may halong pagyayabang, anunsyo ni PBBM sa BPSF Summit sa Philippine International Convention Center sa Manila. Lagpas P12 bilyon na halaga ng serbisyo at P5 bilyon na tulong pinansyal daw ang naibigay ng gobyerno sa taumbayan. Ang laki na ng nagagastos…

Read More

Grupo ng mga manggagawa sa Kamara: PERA NG BAYAN ‘WAG UBUSIN SA KORUPSYON

(BERNARD TAGUINOD) SUMUGOD sa Mababang Kapulungan ng Kongreso kahapon ang mga obrero mula sa Kilusang Mayo Uno (KMU) kasabay ng deliberasyon sa budget ng Department of Labor and Employment (DOLE) para ipaalala sa mga mambabatas na pera ng mga Pilipino ang pambansang pondo kaya hindi ito dapat gamitin sa korupsyon at karahasan. “Ang pondo ng bayan ay nagmumula sa pagbabanat ng buto ng manggagawang Pilipino. Dugo at pawis namin ‘yan. Kaya marapat lang na pakinabangan namin ‘yan sa pamamagitan ng serbisyo, benepisyo, at paglikha ng trabaho,” ani KMU secretary general…

Read More

Sa pagpuslit ni Guo HEADS WILL ROLL – PBBM

TAPOS na ang maliligayang araw ng mga government personnel na tumulong para makaalis ng Pilipinas ang sinibak sa puwesto na si Bamban, Tarlac Mayor Alice Guo. Sinabi ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., na pananagutin niya sa batas ang mga taong nasa likod ng insidenteng ito. “The departure of Alice Guo has laid bare the corruption that undermines our justice system and erodes public trust,” ang sinabi ng Pangulo sa isang kalatas. “Let me be clear: Heads will roll,” diing pahayag ng Pangulo. Sinabi ng Pangulo na mapipilitan ang kanyang administrasyon…

Read More

PAGPAPATAKAS KAY GUO INSULTO SA JUSTICE SYSTEM

HINDI lang sampal kundi matinding insulto sa justice system ng Pilipinas ang pagpapatakas kay Guo Hua Ping o Alice Guo. Pahayag ito ni Lanao del Sur Rep. Zia Alonto Adiong matapos kumpirmahin ng ilang ahensya ng gobyerno partikular na ng Bureau of Immigration (BI) na nakaalis na si Guo sa bansa noon pang July 17. Naniniwala rin ang mambabatas na may tumulong kay Guo sa kanyang pagtakas lalo na’t alam ng lahat na may kinakaharap itong mabibigat na kaso dahil sa ilegal na Philippine Offshore Gaming Operators (POGO) sa Bamban,…

Read More

PARTIDO NI BBM BOKYA SA SENATORIAL RACE

(BERNARD TAGUINOD) BOKYA o walang orihinal na miyembro ng political party ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr., na Partido Federal ng Pilipinas (PFP) sa senatorial race sa 2025 midterm election. Ayon ito sa ilang political observers matapos ilabas ang senatorial line-up ng administrasyon kung saan kapansin-pansin na walang original members ng PFP, kung saan chairman si Marcos at pangulo naman ng partido si South Cotabato Gov. Reynaldo Tamayo Jr. Sa inilabas na listahan, tatlo ang ipinalabas na kandidato ng PFP na kinabibilangan nina dating Sen. Manny Pacquiao, Sen. Francis Tolentino…

Read More

VP SARA NANAWAGAN NG MAS MAHIGPIT NA SEGURIDAD SA NAIA

NANAWAGAN si Vice President Sara Duterte ng ‘mas mahigpit’ na seguridad sa Ninoy Aquino International Airport matapos na di umano’y may isang miyembro ng media ang kumuha ng footage sa kanya at sa kanyang pamilya habang pasakay ng eroplano patungong Germany noong Hulyo. Kinumpirma rin ng Office of the Vice President na ang kanyang biyahe ay “personal trip with her family overseas” at umapela sa publiko na igalang ang kanyang privacy. Sinabi ni VP Sara na ang source ng video ay “a media person” na naka-assigned na mag-cover sa NAIA.…

Read More