NETIZENS NAKURYENTE NG FAKE NEWS

BISTADOR ni RUDY SIM KASING init ng panahon ngayon na pinag-uusapan sa social media na sinakyan pa ng ilang politiko, ang issue patungkol sa pahayag kamakailan ng Manila Electric Company (Meralco) na ang dumaraming “Guerilla Solar” installations sa mga kabahayan sa bansa, ay hindi dumaan sa tamang safety inspections na maaaring magdulot ng kapahamakan sa mga kabahayan na posibleng pagmulan ng sunog. Ayon sa Meralco, sa pag-aaral ng Institute for Climate and Sustainable Cities (ICSC), maraming nakita rito ang hindi sumunod sa international safety standards, isa na rito ang substandard…

Read More

BAKA MAUBOS ANG NASA ‘MIDDLE CLASS’

CLICKBAIT ni JO BARLIZO NAKABABAHALA ang lalo pang pagtaas ng inflation sa bansa na maaaring maglublob sa mga Pilipino sa nakaaalarmang kahirapan. Nitong Abril, umakyat sa 7.2 percent ang inflation rate ng bansa, ayon sa ulat ng Philippine Statistics Authority (PSA). Mas mabilis ito sa 4.1 percent noong Marso, at pinakamataas ito simula Marso 2023, kung kailan pumalo ito sa 7.6 percent. Ang pagbilis ng headline inflation ay bunsod ng pagtaas ng presyo ng bigas at fuels. Umakyat ang food inflation sa 6.1 percent nitong Abril mula 2.7 percent noong…

Read More

ISKO: Trabaho, hindi pangako ang tunay na sukatan ng serbisyo

PUNTO DE BISTA ni BAMBI PURISIMA Sa panahon na madalas puro pangako ang naririnig ng taumbayan, may isang bagay na hindi puwedeng pekein—trabaho. Ito ang malinaw na mensahe sa ginanap na Labor Day Job Fair 2026 sa Maynila: hindi sapat ang magplano, kailangang magbigay ng konkretong oportunidad. Dumagsa ang libo-libong aplikante sa Robinsons Mall sa Ermita, hindi lang para makiusyoso kundi para makipagsapalaran. Mahigit 60 kumpanya ang nagbukas ng pinto—isang patunay na kapag seryoso ang lokal na pamahalaan sa paglikha ng trabaho, sumusunod ang pribadong sektor. Hindi ito simpleng job…

Read More

MAS MATATAG NA NEGOSYO, MAS MATIBAY NA EKONOMIYA – 4K PARTY-LIST

TARGET ni KA REX CAYANONG SA panahon ngayon na patuloy na humaharap ang bansa sa samu’t saring hamon sa ekonomiya, malinaw na ang mga micro, small, and medium enterprises o MSMEs ang isa sa pinakamahalagang sandigan ng kabuhayan ng milyun-milyong Pilipino. Sila ang bumubuhay sa lokal na ekonomiya, nagbibigay ng trabaho, at nagsisilbing inspirasyon ng sipag at tiyaga ng karaniwang mamamayan. Ngunit sa kabila nito, marami pa rin sa kanila ang kapos sa sapat na suporta at oportunidad upang higit pang lumago. Dito pumapasok ang mahalagang papel ng 4K Party-list…

Read More

SUNDALO PATAY, 4 PA SUGATAN SA ROAD MISHAP

DEAD on the spot ang isang sundalo habang sugatan ang apat na iba pang sakay ng naaksidenteng military truck sa kahabaan ng Tarlac–Pangasinan–La Union Expressway sa Villasis, Pangasinan. Ayon sa ulat, nagpahatid na ng pakikiramay ang Philippine Army sa pamilya ng nasawing sundalo. “His service and sacrifice for the country can never be measured nor forgotten,” ayon kay Army spokesperson, Col. Louie Dema-ala. Siniguro rin ng Philippine Army ang tulong sa mga sugatang tauhan na kasalukuyang nagpapagaling pa at under medical observation. Nakikipag-ugnayan na ang militar sa mga awtoridad para…

Read More

‘CHINESE SPIES’ NADAGIT SA TAWI-TAWI

TATLONG Chinese nationals na hinihinalang nagsasagawa ng paniniktik sa Mindanao, ang inaresto ng mga tauhan ng Philippine National Police sa lalawigan ng Tawi-Tawi kasunod ng isinagawang intelligence operation. Ayon sa ulat ng Tawi-Tawi Provincial Police Office, dinakip ang tatlong lalaking Chinese na pinaghihinalaang nangangalap ng impormasyon sa pamamagitan ng pag-aktong nagbebenta ng mga pekeng mobile phones. Inaresto ng mga operatiba ng Tawi-Tawi PNP ang mga suspek matapos madiskubre ang mga pekeng cellphone at relo na ibinebenta ng mga suspek sa ikinasang police operation sa loob ng Beachside Inn sa Barangay…

Read More

BUS SUMALPOK SA TRUCK, 4 SUGATAN

APAT katao ang sugatan makaraang sumalpok ang isang bus ng St. Jude Transport Lines sa likuran ng nakaparadang truck sa kahabaan ng Maharlika Highway sa Brgy. Camohaguin, Gumaca, Quezon noong madaling araw ng Mayo 8. Ayon sa pulisya, biyaheng Bicol-Manila ang bus nang mawalan umano ng kontrol ang driver at bumangga sa nakaparadang truck. Apat na pasahero, kabilang ang isang menor de edad, ang nasugatan na isinugod sa ospital. Parehong nagkaroon ng pinsala ang dalawang sasakyan sa nasabing insidente. (NILOU DEL CARMEN) 191

Read More

PEKENG DOKTOR, 3 PA TIMBOG SA PAGTUTULI

ARESTADO ang apat na katao matapos ireklamo ng umano’y panloloko at ilegal na pagsasagawa ng serbisyong medikal katulad ng pagtutuli sa mga kabataan, sa Candelaria, Quezon. Kinilala ang pangunahing suspek na isang 29-anyos na bisexual na physical therapist at residente ng Brgy. Lutucan 1, Sariaya. Kasama sa naaresto ang isang 20-anyos na dalaga na residente ng Brgy. Cotta, Lucena City; isang alyas “Jayson”, isa ring bisexual, ng Brgy. Gulang-Gulang, Lucena City; at “Ryan”, 35, driver, at residente ng Brgy. Cotta, Lucena City. Batay sa imbestigasyon, umabot sa mahigit P108,000 ang…

Read More

Hagupit ni Caloy humihina 1 PANG LPA SA LOOB NG PAR BINABANTAYAN

BAGAMA’T bahagyang humina ang hagupit ni Caloy habang binabagtas ang area of responsibility ng Pilipinas sa bahagi ng Mindanao, nanatiling nakataas pa rin ang babala ng Mines and Geosciences Bureau (MGB) sa mga lugar na posibleng makaranas ng pagbaha at landslide bunsod ng mga pag-ulan dulot ng tropical depression. Nitong Linggo, bandang alas-2:00 ng hapon, Mayo 10, 2026, nanatiling nasa loob ng Philippine area of responsibility si Tropical Depression “CALOY” {Int’l name “HAGUPIT”}. Subalit may isa pang low pressure Area ang binabantayan ng DOST-PAGASA sa loob ng Philippine Area of…

Read More