(SAKSI NGAYON NEWS TEAM) Matapos ang kontrobersyal na pagtatalaga kay dating Iloilo City Mayor Jed Patrick Mabilog bilang bagong DILG undersecretary, panibagong usapin ang bumungad sa appointment ng isang dating opisyal ng National Bureau of Investigation (NBI) na minsang nasangkot sa isang high-profile drug case. Sa pagkakataong ito, si Atty. Augusto Eric Isidro, dating NBI official na iniugnay noon sa sinalakay na umano’y “mega shabu laboratory” sa Virac, Catanduanes noong 2016, ang itinalaga ni NBI Director Melvin Matibag bilang bagong field office chief ng NBI Pampanga. Si Isidro ay dating…
Read MoreDay: May 20, 2026
Nagse-cellphone habang nagmamaneho ESTUDYANTENG RIDER NAHULOG SA TULAY, PATAY
PATAY ang isang 23-anyos na college student makaraang mahulog sa tulay ang minamanehong motorsiklo habang nagse-cellphone sa Carmona City, Cavite noong Lunes ng madaling araw. Isinugod sa Pagamutan ng Carmona ang biktimang si alyas “Ely” ng Brgy. Milagrosa, Carmona City ngunit idineklarang dead on arrival. Ayon sa ulat, minamaneho ng biktima ang kanyang itim na motorsiklong Yamaha NMAX na may plakang 966NFB, sa kahabaan ng Southwood’s Congressional Road Bridge sa Brgy. Cabilang Baybay, Carmona City, galing sa GMA, Cavite bandang alas-12:00 ng madaling araw, nang mahulog ito sa nasabing tulay.…
Read MoreTANOD, VENDOR PATAY SA PAMAMARIL
NASAWI ang isang 51-anyos na barangay tanod at isang babaeng vendor nang pagbabarilin ng isang hindi nakilalang lalaki ang barangay official ngunit nadamay ang huli sa Dasmariñas City, Cavite noong Lunes ng umaga. Kapwa namatay sa pinangyarihan ng insidente ang biktimang si alyas “Rody”, ng Barangay Sta. Cruz 1, Dasmariñas City; at alyas “Annalinda”, 48, ng Brgy. Bergado 1, Dasmariñas City. Inilarawan naman ang suspek na tinatayang may taas na 5’2″, payat ang pangangatawan, nakasuot ng blue long sleeve shirt at itim na pantalon. Ayon sa ulat, bandang alas-8:43 ng…
Read MoreP1-M TABLA NG NARRA KUMPISKADO SA MISAMIS ORIENTAL
ARESTADO ang isang indibidwal sa ikinasang operasyon ng mga operatiba ng Criminal Investigation and Detection Group kasama ng City Environment and Natural Resources Office (CENRO), makaraang makumpiskahan ng P1 milyong halaga ng mga tabla ng narra. Kinilala ang suspek na si alyas “Rod”, 53, isang truck driver. Ayon sa ulat, nasabat ang mga tabla ng narra habang ibinabyahe ng suspek sa Brgy. Agay-agayan, Gingoog City, Misamis Oriental. Narekober sa kanya ang 208 piraso ng tabla ng narra at isang Isuzu wing van na tinatayang nagkakahalaga ng nasa higit P1 milyon.…
Read MoreKAMARA IIMBESTIGAHAN NGCP SA SUNOD-SUNOD NA BROWNOUT
NAGHAIN ng resolusyon sa Kamara sina House Speaker Faustino Dy III at Senior Deputy Speaker Ferdinand Hernandez para imbestigahan ang National Grid Corporation of the Philippines (NGCP) kaugnay ng sunod-sunod na grid failures at malawakang brownout sa Luzon at Visayas. Sa ilalim ng House Resolution No. 1024, hinihiling ang congressional inquiry, in aid of legislation, matapos ang pag-trip noong Mayo 13, 2026 ng 500-kilovolt Tayabas-Ilijan at Dasmariñas-Ilijan transmission lines. Dahil dito, biglang nawalan ng mahigit 2,462 megawatts ng kuryente na nagdulot ng red at yellow alerts sa Luzon at Visayas…
Read MoreNBI MAY LEAD NA SA ‘HIDEOUT’ NI SEN. BATO
MAY lead na umano ang National Bureau of Investigation (NBI) sa kinaroroonan ni Senator Ronald “Bato” Dela Rosa ngunit tumanggi muna itong ibunyag habang nagpapatuloy ang imbestigasyon. Ito ang inihayag ni NBI Director Melvin Matibag sa pulong-balitaan ng Manila City Hall Reporters Association (MACHRA) sa Harbour View sa Luneta. “Mahirap naman pong mag-announce na nandirito siya kasi people try to speculate,” ani Matibag. “Marami pong lead na ibinigay, but we have a lead kung nasaan talaga pero in the meantime we will suspend ‘yong announcement kung nasaan talaga siya,” dagdag…
Read MoreSENATE MEDIA NAIS BIGYAN NG PAGKILALA
INIHAIN ni Sen. Risa Hontiveros ang resolusyon upang bigyang pagkilala ng Senado ang Senate Media na nag-cover sa shooting incident sa loob ng gusali noong May 13. Sa Resolution Number 400, nais ni Hontiveros na bigyan ng commendation ang Senate media sa kanilang bravery at professionalism sa pagco-cover ng shooting incident. Tinukoy rito na tinatayang tatlong minuto ang pagpapaputok ng baril, na nagdulot ng panic sa mga Senate staff maging sa mga miyembro ng media na nasa gusali dahil nagco-cover ng may tatlong araw nang standoff sa pagitan ng mga…
Read MoreTOP PERFORMING MAYORS, REPS SA NCR INILABAS NG RPMD
ISINAPUBLIKO ng RPMD Foundation Inc. ang pinakabagong resulta ng kanilang “Index of Governance” (IOG), na kumikilala sa ‘Top-Performing Mayors at Representatives” sa National Capital Region batay sa pinagsamang ‘trust’ at ‘performance’ ratings. Ayon kay Dr. Paul Martinez, ang IOG ay isang komprehensibong governance assessment tool na sumusukat sa mga lider hindi lamang sa popularidad kundi pati sa governance delivery, responsiveness, public service effectiveness, at kumpiyansa ng mamamayan. Sinabi niya na ang mga Mayors ay sinuri sa governance at public service indicators habang ang mga Representatives naman ay tinasa sa legislative…
Read MoreAFP NAKAKUHA NG 72% TRUST RATING — OCTA
MULING nagtala ng mataas na trust at performance ratings ang Armed Forces of the Philippines (AFP) sa pinakahuling survey ng OCTA Research para sa unang quarter ng 2026. Batay sa datos ng independent pollster, pito sa bawat sampung Pilipino ang nagtitiwala sa hukbong sandatahan. Sa ginanap na regular Tuesday forum sa Camp Aguinaldo sa Quezon City, nagpasalamat ang pamunuan ng AFP sa patuloy na tiwalang ibinibigay ng publiko sa gitna ng umiinit na usaping pulitikal sa bansa. Ayon sa OCTA Research Tugon ng Masa survey, nakakuha ang AFP ng 72…
Read More