TOP PERFORMING MAYORS, REPS SA NCR INILABAS NG RPMD

ISINAPUBLIKO ng RPMD Foundation Inc. ang pinakabagong resulta ng kanilang “Index of Governance” (IOG), na kumikilala sa ‘Top-Performing Mayors at Representatives” sa National Capital Region batay sa pinagsamang ‘trust’ at ‘performance’ ratings.

Ayon kay Dr. Paul Martinez, ang IOG ay isang komprehensibong governance assessment tool na sumusukat sa mga lider hindi lamang sa popularidad kundi pati sa governance delivery, responsiveness, public service effectiveness, at kumpiyansa ng mamamayan. Sinabi niya na ang mga Mayors ay sinuri sa governance at public service indicators habang ang mga Representatives naman ay tinasa sa legislative performance, district representation, responsiveness, accessibility, visibility, at constituent service na isinama sa public trust ratings upang mabuo ang final IOG scores.

Nanguna sa NCR Mayoral rankings sa ilalim ng “Tier 1” category sina QC Mayor Joy Belmonte na may 88.3% IOG score mula sa 87.5% trust at 89.2% performance ratings, Malabon Mayor Jeannie Sandoval na may 87.4% IOG, Navotas Mayor John Rey Tiangco na may 86.5% IOG, at Valenzuela Mayor Wes Gatchalian ng Valenzuela City na may 86.4% IOG. Ayon sa RPMD, kabilang ang apat sa “Tier One” dahil sa dikit-dikit na scores na nagpapakita ng mataas na public trust at governance performance.

Kasama rin sa NCR’s top-performing Mayors sina Along Malapitan (Caloocan) na may 85.9% IOG score, Emi Calixto-Rubiano (Pasay) na may 85.7%, Vico Sotto (Pasig) na may 85.6%, at Isko Moreno (Manila) na may 85.1%. Sinabi ng RPMD na ipinapakita ng rankings ang malakas na approval at consistent governance performance sa mga highly urbanized areas.

Samantala, nanguna sa NCR District Representative rankings sa ilalim ng “Top Tier” category sina Toby Tiangco ng Navotas na may 88.2% IOG score, Miro Quimbo ng Marikina na may 87.9% IOG, at Ralph Tulfo ng QC na may 86.7% IOG. Ayon sa RPMD, kabilang sila sa parehong Top Tier category dahil sa statistical proximity ng kanilang scores na nagpapakita ng mataas na constituent trust at legislative performance.

Top-performing din sina Cong. Brian Yamsuan (86.1%) ng Paranaque, PM Vargas (85.8%) ng QC, Oca Malapitan (85.1%) ng Caloocan, Marivic Co-Pilar (84.8%) ng QC, Dean Asistio (84.2%) ng Caloocan, Benny Abante (83.8%) ng Manila, Edward Galang (84.6%) ng Valenzuela, Ernix Dionisio (81.7%) ng Manila at Giselle Maceda (80.9%) ng Manila na may matataas na IOG scores,
Binigyang-diin ni Martinez na mas nagiging mapanuri at performance-oriented na ngayon ang mga botante sa NCR sa paghusga sa mga opisyal ng gobyerno.

Aniya, hindi na sapat ang popularidad lamang dahil mas pinipili na ngayon ng publiko ang mga lider na may konkretong resulta, mahusay na serbisyo, at epektibong pamamahala.

Isinagawa ang survey mula Abril 1-8, 2026 sa pamamagitan ng face-to-face interviews sa 3,500 randomly selected respondents at may margin of error na ±2%.

67

Related posts

Leave a Comment