SENATE MEDIA NAIS BIGYAN NG PAGKILALA

INIHAIN ni Sen. Risa Hontiveros ang resolusyon upang bigyang pagkilala ng Senado ang Senate Media na nag-cover sa shooting incident sa loob ng gusali noong May 13.

Sa Resolution Number 400, nais ni Hontiveros na bigyan ng commendation ang Senate media sa kanilang bravery at professionalism sa pagco-cover ng shooting incident.

Tinukoy rito na tinatayang tatlong minuto ang pagpapaputok ng baril, na nagdulot ng panic sa mga Senate staff maging sa mga miyembro ng media na nasa gusali dahil nagco-cover ng may tatlong araw nang standoff sa pagitan ng mga awtoridad at Senate leadership ukol sa kustodiya kay Sen. Ronald dela Rosa.

Sa kabila aniya ng pagkaka-trap sa gusali dahil sa potential na active shooter, nagpakita ang Senate media ng tapang dahil sa halip na inuna ang sariling kaligtasan, patuloy silang nagbalita para sa right to information ng publiko.

Isinaad din ni Hontiveros na sa information landscape ngayon na kinokompromiso ng mga online disinformation at covert influence operations, ang impartial reporting ng Senate media ay nagsisilbing mahalagang haligi ng katotohanan at pagprotekta sa integridad ng demokrasya sa panahon ng national crisis.

(DANG SAMSON-GARCIA)

46

Related posts

Leave a Comment