CAYETANO NAGBABALA SA POSIBLENG PAGBALUKTOT SA IMPEACHMENT RULES

NAGBABALA si Senate President Alan Peter Cayetano laban sa posibleng pagbaluktot sa mga patakaran ng nalalapit na impeachment trial ni Bise Presidente Sara Duterte dahil umano sa paiba-ibang interpretasyon ng voting requirements ng kampo ni Senator Sherwin Gatchalian. Ito ang pahayag ni Cayetano matapos kumpirmahin ni Gatchalian sa isang Facebook post na 16 na boto ang kinakailangan upang mahatulan o ma-convict ang isang impeachable official. Ayon kay Gatchalian, nakasaad sa Konstitusyon na kailangan ang two-thirds vote ng lahat ng miyembro ng Senado para sa conviction. Dahil nakapirmi sa 24 ang…

Read More

PBBM MAKIKIPAGKITA KAY PUTIN SA RUSSIA

NAKATAKDANG bumiyahe si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa Kazan, Russia sa susunod na linggo para sa kanyang kauna-unahang bilateral meeting kay Russian President Vladimir Putin at upang pangunahan ang ASEAN-Russia Commemorative Summit bilang ASEAN Chair. Ayon kay Department of Foreign Affairs (DFA) ASEAN 2026 Philippines Spokesperson Dominic Xavier Imperial, gaganapin ang summit sa Hunyo 17 at 18 kung saan magsasama-sama ang mga lider ng Association of Southeast Asian Nations (ASEAN) at Russia upang suriin ang kanilang strategic partnership at pag-usapan ang mga susunod na hakbang para sa kooperasyon. Bilang ASEAN…

Read More

Sa special session sa Miyerkoles PING: DELULU PA MORE, DELULU NO MORE

NAGPAHIWATIG si Senador Panfilo Lacson na sa special session sa Miyerkoles ang delulu pa more ay magiging delulu no more. Nais nitong ipakahulugan na matatapos na ang mga isyu sa Senado sa pagharap nila sa special session. Umaasa ang bagong Senate Majority Bloc na mareresolba na ang isyu sa liderato sa Senado sa special session. Sinabi ni Senador Erwin Tulfo na umaasa siyang pagdating sa Miyerkoles ay mayroon na silang 13 na susuporta kay Senador Sherwin Gatchalian bilang lider ng Senado. Pinanghahawakan ni Tulfo ang pangako ni Senador Alan Peter…

Read More

KAMARA ALL-SET SA SPECIAL SESSION

TINANGGAP ni Speaker Faustino “Bojie” G. Dy III ang panawagan ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. para sa special session ng Kongreso sa Hunyo 17 at tiniyak na handa ang Kamara de Representantes na tapusin ang mga prayoridad na panukalang magbibigay ng benepisyo sa mga pamilyang Pilipino. “Handa ang Kamara de Representantes na tugunan ang panawagan ng Pangulo at ipagpatuloy ang pagsusulong ng mga panukalang batas na direktang tumutugon sa pangangailangan ng ating mamamayan,” ani Speaker Dy. Ayon kay Dy, lahat ng mga panukalang tinukoy ni Pangulong Marcos sa Proclamation No.…

Read More

KONGRESO IPINATAWAG NI PBBM PARA SA SPECIAL SESSION

NANAWAGAN si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa Kongreso na magdaos ng special session sa Hunyo 17, 2026 upang mapabilis ang pag-apruba sa mga prayoridad na panukalang batas na nakatuon sa social protection, edukasyon, healthcare at iba pang ayuda para sa mahihinang sektor. Sa ilalim ng Proclamation No. 1318, inatasan ng Pangulo ang Kongreso na aksyunan ang mga priority legislative measures na nasa advanced stages na ng lehislasyon ngunit hindi pa naipapasa. Batay sa Section 15, Article VI ng 1987 Constitution, may kapangyarihan ang Pangulo na magpatawag ng special session ng…

Read More

HEIGHTENED ALERT SA SENADO NANANATILI

HINDI pa rin nili-lift ng Senado ang heightened alert na ipinatutupad sa buong compound sa gitna ng security threat. Doble ang higpit ng seguridad na ipinatutupad ng Office of Senate Sgt at Arms katuwang ang Philippine National Police, Philippine Marines at ngayon ay ang Philippine Coast Guard. Pinakahuling idinagdag sa security level ng Senado ang ikinabit na Under Vehicle Inspection System na susuri sa ilalim bawat behikulong papasok sa Senate compound. Wala ring palulusuting sasakyan sa inspeksyon kung saan sasalang pati mga sasakyan ng mga senador. Mahigpit ding ipinatutupad ang…

Read More

PAGCOR nagpadala ng ayuda sa mga biktima ng lindol sa Mindanao

Ikinakarga ng mga volunteer ng PAGCOR ang libo-libong food pack sa mga truck para ihatid sa mga lugar sa Mindanao na naapektuhan ng magnitude 7.8 na lindol. Aabot sa 10,500 food packs ang ipinadala ng Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR) sa mga lugar sa Mindanao na naapektuhan ng magnitude 7.8 na lindol. Ayon kay PAGCOR Chairman at CEO Alejandro H. Tengco, layunin ng ayuda na makatulong sa mga pamilyang nagsisikap makabangon mula sa hagupit ng kalamidad. “During times of calamity, we assure our kababayans that PAGCOR is always ready…

Read More