KINUWESTIYON ni Senator-judge Alan Peter Cayetano ang hurisdiksyon at timing ng Impeachment Court sa pagrepaso sa voting threshold para sa conviction sa impeachment trial ni Vice President Sara Duterte. Ayon kay Cayetano nitong Miyerkules, Setyembre 23, ang Supreme Court ang dapat magpasya sa usapin ng voting threshold at dapat sana itong nalutas bago pa man naipasa ng Senado ang rules para sa impeachment trial. Ginawa ni Cayetano ang pahayag habang nagpapatuloy ang talakayan ng Impeachment Court sa bilang ng mga botong kailangan para mahatulan si Vice President Sara Duterte. Dinidinig…
Read MoreDay: September 25, 2026
3 PASAHERO ARESTADO SA P18.6M KUSH SA NAIA
NASAMSAM ang P18,679,000 halaga ng hinihinalang high-grade marijuana o kush sa anim na bagahe ng tatlong pasaherong mula sa Bangkok, Thailand nang dumating ang mga ito sa NAIA Terminal 3 nitong Huwebes, Setyembre 24. Sa isinagawang physical examination at X-ray screening ng Bureau of Customs – Ninoy Aquino International Airport (BOC-NAIA) 6) sa mga bagahe na umano’y naglalaman ng foodstuff, ito ay natuklasang may lamang hinihinalang high-grade marijuana o kush. Lumalabas sa paunang pagsusuri na nasa humigit-kumulang 18,679 gramo ng hinihinalang kush ang nakumpiska na tinatayang P18,679,000 ang halaga. Patuloy…
Read MoreKahit magkaroon ng ‘aregluhan’ DOJ KUMPIYANSANG MAAARESTO SI ATONG ANG
KUMPIYANSA ang Department of Justice (DOJ) na madadakip at maghihimas ng rehas na bakal si gambling tycoon Charlie “Atong” Ang kaugnay ng missing sabungeros. Reaksyon ito ni DOJ Prosecutor General Richard Anthony Fadullon nang matanong ng media sa posibleng kahinatnan ng kaso sa civil aspect matapos mawalan ng ganang dumalo sa pagdinig ang karamihan ng pamilyang nagsampa ng kaso laban sa tinaguriang pugante. Tiniyak ni Fadullon na malabong maapektuhan ang kaso sa kabila ng sinasabing aregluhan. Nasa kamay na ng law enforcement agencies ang operasyon para matunton ang kinaroroonan nito…
Read MoreFIRST LADY LIZA, NAKIISA SA GLOBAL CHILD-TECH COALITION NI MELANIA TRUMP
NAKIISA si First Lady Liza Araneta-Marcos sa global coalition na pinangunahan ni United States (US) First Lady Melania Trump na naglalayong palawakin ang access ng mga kabataan sa teknolohiya at edukasyon habang pinoprotektahan sila laban sa mga panganib online. Inanunsyo ni First Lady Liza Araneta-Marcos ang kanyang paglahok sa “Fostering the Future Together” coalition matapos dumalo sa luncheon kasama si First Lady Melania Trump at iba pang First Spouses sa St. Regis Hotel sa New York nitong Martes. “Happy to join First Lady Melania Trump and fellow First Spouses for…
Read MoreSUSPENSYON NG BUWIS SA MGA PRODUKTONG PETROLYO, PAKIKINABANGAN NG LAHAT
KINONTRA ni Senador Bam Aquino ang pahayag ni Finance Secretary Frederick Go na mas makikinabang ang mayayaman kung sususpindihin ang pagpapataw ng VAT at excise tax sa mga produktong petrolyo. Sinabi ni Aquino na malaki ang epekto ng fuel price hike sa mahihirap at middle class gayundin sa mga nasa transport sector, delivery riders, mga magsasaka, mangingisda, small producers at entrepreneurs. Kapag tumataas anya ang presyo ng petrolyo, lumalaki rin ang pasanin sa presyo ng mga bilhin at sa araw-araw na gastusin ng mga pamilya. Binigyang-diin ng senador na nabigyan…
Read MorePALASYO SA PORK BARREL TAG SA LGSF: INTRIGA LANG NI ERICE
TINAWAG ng Malacañang na “intriga lamang” ang alegasyon ni Caloocan City Representative Edgar Erice na nagsisilbing “presidential pork barrel” ang panukalang P58.53-billion allocation para sa Local Government Support Fund (LGSF) sa 2027 national budget. Ang pahayag ay ginawa ni Presidential Communications Office Undersecretary at Palace Press Officer Atty. Claire Castro matapos sabihin ni Erice na mapipilitan siyang kuwestiyunin sa Supreme Court ang patuloy na paglaki ng pondo ng LGSF sa 2027. Ayon kay Erice, kapag nilagdaan ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang P7.2-trillion 2027 General Appropriations Act, agad siyang…
Read MoreIakyat man sa SC voting threshold IMPEACHMENT TRIAL VS VPSD MAGPAPATULOY
TINIYAK ni Impeachment Court Spokesman Atty. Reginald Tongol na magpapatuloy ang pagdinig ng Impeachment Court sa kaso ni Vice President Sara Duterte kahit idulog sa Supreme Court ang bagong ruling kaugnay ng pagtukoy sa voting threshold para sa conviction. Sinabi ni Atty. Reginald Tongol na maaaring idulog ng sinuman sa Supreme Court ang usapin dahil available na remedyo ang petition for certiorari sa ilalim ng Rule 65 ng Rules of Court. Una nang sinabi nina Atty. Michael Poa at Atty. Sheila Sison ng defense team ni Vice President Sara Duterte…
Read More