Kahit magkaroon ng ‘aregluhan’ DOJ KUMPIYANSANG MAAARESTO SI ATONG ANG

KUMPIYANSA ang Department of Justice (DOJ) na madadakip at maghihimas ng rehas na bakal si gambling tycoon Charlie “Atong” Ang kaugnay ng missing sabungeros.

Reaksyon ito ni DOJ Prosecutor General Richard Anthony Fadullon nang matanong ng media sa posibleng kahinatnan ng kaso sa civil aspect matapos mawalan ng ganang dumalo sa pagdinig ang karamihan ng pamilyang nagsampa ng kaso laban sa tinaguriang pugante.

Tiniyak ni Fadullon na malabong maapektuhan ang kaso sa kabila ng sinasabing aregluhan.

Nasa kamay na ng law enforcement agencies ang operasyon para matunton ang kinaroroonan nito habang patuloy namang mino-monitor ng DOJ ang galaw ng mga pulis na inatasang hantingin at pasukuin ang puganteng negosyante.

Aniya, patuloy ang koordinasyon nila sa Philippine National Police (PNP) at iba pang ahensya na nagsasagawa ng mga operasyon.

Sa kabila nito, tiniyak ni Fadullon na tuloy-tuloy ang pag-usad ng kaso at hindi nakadepende ang prosekusyon sa pakikilahok ng pamilya ng mga biktima.

Nahaharap si Ang sa mga kasong kidnapping with homicide at kidnapping with serious illegal detention na parehong non-bailable.

(JULIET PACOT)

91

Related posts

Leave a Comment