NASAMSAM ang P18,679,000 halaga ng hinihinalang high-grade marijuana o kush sa anim na bagahe ng tatlong pasaherong mula sa
Bangkok, Thailand nang dumating ang mga ito sa NAIA Terminal 3 nitong Huwebes, Setyembre 24.
Sa isinagawang physical examination at X-ray screening ng Bureau of Customs – Ninoy Aquino International Airport (BOC-NAIA) 6) sa mga bagahe na umano’y naglalaman ng foodstuff, ito ay natuklasang may lamang hinihinalang high-grade marijuana o kush.
Lumalabas sa paunang pagsusuri na nasa humigit-kumulang 18,679 gramo ng hinihinalang kush ang nakumpiska na tinatayang P18,679,000 ang halaga.
Patuloy pa ang isinasagawang eksaminasyon at beripikasyon sa nasabing kontrabado. Ilalabas ang karagdagang detalye matapos makumpleto ang eksaminasyon at ang balidasyon ng kinauukulang mga awtoridad.
(JOCELYN DOMENDEN)
108 