3 TERORISTA NAPATAY SA BASILAN

PATAY ang tatlong Basilan-based Abu Sayyaf Group members nang makasagupa ang mga tauhan ng Joint Task Force Basilan nitong nakalipas na Linggo, ayon sa Western Mindanao Command.

Ayon kay Lt. Gen. Corleto Vinluan, Jr., commander ng Western Mindanao Command: “Based on the report from Joint Task Force Commander Brig. Gen. Domingo Gobway, our troops encountered eight ASG members under ASG Sub-leader Pasil Bayali at Sitio Kura-Kura, Barangay Baiwas, Sumisip, Basilan around 7:40 in the morning, Sunday”.

Sinasabing tumagal ng halos kalahating oras ang sagupaan bago nagpasyang tumakas ang mga terorista.

Sa ulat ni Brig. Gen. Gobway, nagsanib-puwersa ang reinforcing troops sa engaged troops para magsagawa ng clearing operation sa encounter site habang ilang tropa naman ang nagsagawa ng hot pursuit operation laban sa mga tumatakas na terorista.

“We are still verifying the identification of the slain terrorist,” ani Brig. Gen. Gobway kaugnay sa dalawang bangkay na kanilang nakuha matapos ang bakbakan.

Inihayag naman ni Lt. Gen. Vinluan Jr. na mapalad na walang nasaktan sa kanyang mga tauhan. Kasabay nito ay pinasalamatan ng opisyal ang suporta ng local officials at mga residente sa area sa pagkakaloob ng real time information para maneyutralisa ang mga terorista. (JESSE KABEL)

167

Related posts

Leave a Comment