INUTUSAN ni Bureau of Corrections (BuCor) Director General Gregorio Catapang Jr. ang mga superintendent ng mga piitan at penal farms na tiyakin ang maayos at mapayapang halalan sa Mayo 12.
Ayon sa BuCor, 4,125 persons deprived of liberty (PDL) mula sa iba’t ibang piitan ang kwalipikadong bumoto. Kabilang dito ang mga nakakulong sa New Bilibid Prison, Davao Prison, Leyte Regional Prison, at iba pa.
Sinabi ni Catapang na noong Disyembre, nagkaroon ng kasunduan ang BuCor, COMELEC, PAO, at BJMP para magpatupad ng inklusibong pagboto para sa mga PDLs sa mga darating na halalan, kabilang na ang 2025 National and Local Election at Bangsamoro Parliamentary Elections.
Ang mga kwalipikadong PDLs ay ang mga nakakulong na walang hatol o nagsisilbi ng sentensiya ng hindi hihigit sa isang taon, at mga may kasong nasa apela.
(JULIET PACOT)
