NAGSUMITE na ng counter affidavit si Vice President Sara Duterte sa Department of Justice kaugnay ng kasong inciting to Sedition at Grave Threats na may kaugnayan sa Cybercrime Prevention Act of 2012 na isinampa ng National Bureau of Investigation.
Ito ay matapos sabihin ni VP Duterte na may kinausap na siyang tao para patayin si Pangulong Ferdinand Marcos Jr, First Lady Liza Araneta-Marcos at House Speaker Martin Romualdez kapag pinatay na siya.
Ayon kay Paul Lim, isa sa legal counsel ng Pangalawang Pangulo, laman ng counter affidavit ni VP Duterte ang mga dahilan kung bakit hindi na dapat ipagpatuloy, at ibasura na lamang ang mga reklamo laban sa kanya.
Mismong si VP Duterte ang humarap sa DOJ para sa preliminary investigation.
Pinanumpaan niya ang counter affidavit at pumirma siya sa harap ng pannel prosecutor.
Umaasa ang legal council na may due process sa kaso.
Aantayin pa kung magpapabigay rin ng counter affidavit ang NBI at kung hindi na ay submitted for resolution na ang kaso.
Sa may 16 ang susunod na hearing.
(JULIET PACOT)
