444 WANTED PERSONS NABITAG SA CALABARZON

NALAMBAT ang 444 wanted persons sa ikinasang one time bigtime operation ng Calabarzon PNP noong Martes, Agosto 30, 2022.

Sinabi ni Calabarzon Police  Regional Director Brig. Gen Melencio Nartatez  Jr., kabilang  sa nadakip ang 125 most wanted persons na kinabibilangan ng 14 sa regional level,  habang 23 sa provincial level, at 88 sa city o municipality level.

Ang mga dinakip ay may kasong homicide, rape, murder at paglabag sa Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.

Ayon pa kay Nartatez, naging matagumpay ang pag-aresto sa wanted persons dahil sa pakikipagtulungan ng ilang mga residente. (CYRILL QUILO)

132

Related posts

Leave a Comment