KRIMEN MAWAWALA SA LOCKDOWN

DPA

KUNG mayroong mawawala o kaya mababawasan ng malaking porsyento ay ang mga krimen dahil sa pagsasailalim ng gobyerno sa community quarantine sa buong Metro Manila.
Visible na ang mga pulis at militar sa mga lansangan ngayon sa Metro Manila lalo na sa mga borders upang ipatupad ang community quarantine at maiwasan na dumami pa ng husto ang magkakasakit ng COVID-19

Kung may gagawa pa ng krimen, tiyak na hindi na sila makakalusot sa mga awtoridad kaya malamang ay magtatago muna ang mga kriminal habang nasa lansangan ang mga pulis at militar.
Nitong mga nakaraang mga araw, kapansin-pansin ang paglaganap ng kriminalidad at tila nagpista ang riding in tandem at nakakalusot sila dahil walang pulis sa mga lansangan.

Pero ngayon nasa labas na ang mga pulis at may ­militar pa, tiyak na titigil na ang mga ito sa kanilang criminal activities kasama na ang mga sangkot sa ­ilegal na droga at ­pangingidnap ng mga Chinese sa kanilang mga kapwa na baon sa utang sa kanila.

May mga kumukuwestiyon bakit kasama ang pulis at military sa Inter-agency task force sa COVID-19 gayun ang problema ay sakit at wala raw silang kinalaman  sa bagay na ito.
Simple lang ang tingin ng inyong DPA as in Deep ­Penetration Agent: ­kailangan sila dahil ­matitigas ang ulo nating mga Pinoy at hindi sumusunod sa batas at simpleng pakiusap lang gayung para rin naman sa ating kapakanan.

Kailangan na ­kailangan din ang PNP at AFP para sa peace and order sa buong Metro Manila lalo na’t  marami ang mawawalan ng trabaho sa loob ng isang buwang community quarantine.
May mga tao na kumakapit sa patalim kapag nagugutom. Walang kinikilalang batas ang mga taong gutom kaya para mabuhay kasama ang kaniyang pamilya ay mapipilitang magnanakaw, manghohold-up.

Kung wala ring mga pulis at military sa IATF na ito, baka samantalahin ng mga tao para pagnakawan ang mga tindahan at nakawin ang mga paninda lalo na ang mga pagkain o magkakaroon ng looting. Baka magkaroon ng kaguluhan o chaos.

Hindi natin dapat ­isantabi ang senaryong ito lalo na kung magkakaroon ng shortage sa supply ng pagkain kaya kailangan talaga ang tulong ng PNP at AFP para hindi magkaroon ng kaguluhan.

Pero huwag naman sanang magkaroon ng paglabag sa karapatang pantao sa pagtupad ng PNP at AFP sa kanilang mandato dahil maiiba ang usapan kapag nangyari iyan.

Lord Maawa na po Kayo. Itigil na n’yo ang paglaganap ng pesteng ito sa mundo. Amen.

175

Related posts

Leave a Comment