21 COVID-19 POSITIVE SA MALABON, VALENZUELA

PUMALO na sa 21 ang naitalang mga kaso ng COVID-19 positive sa lungsod ng Malabon at Valenzuela.

Ayon sa ulat, mula Abril 1 ay umakyat na sa siyam ang kompirmadong kaso ng COVID-19 sa Malabon City kung saan tatlo sa mga ito ang namatay, habang isa naman ang nakarekober.

Si patient 9 ay isang lalaking 85-anyos at residente ng Brgy. Bayan-bayanan na binawian ng buhay sa Manila Doctors Hospital.

Umakyat naman sa 12 ang naitalang positibo sa COVID-19 sa Valenzuela City matapos na isang 29-anyos na lalaki ang nadagdag na kumpirmado hanggang Abril 1.

Si patient “VC12” ay may kasaysayan ng exposure sa isang nagpositibo ring pasyente at kasalukuyan siyang naka-confine sa ospital.

Masusing mino-monitor ng Valenzuela City Epidemiology and Surveillance Unit (CESU) ang lahat ng mga kaso ng COVID-19 sa lungsod at nagsasagawa na ng contact tracing. (FRANCIS SORIANO)

215

Related posts

Leave a Comment