KASO NG COVID-19 SA BANSA PATULOY SA PAGTAAS

PATULOY sa pag-angat ang bilang ng mga nagpopositibo sa COVID-19 sa bansa.

Sa huling ulat ng Department of Health (DOH), hanggang nitong alas-4:00 ng Sabado ay umakyat sa 3,094 ang bilang ng COVID-19 cases sa bansa. Sa nakalipas na 24-oras ay nakapagtala ng panibagong 76 na kaso ang DOH.

Samantala, limang pasyente ang naitalang gumaling kaya mayroon nang total recoveries na 57.

Walong pasyente naman ang pumanaw sa loob lamang ng magdamag kaya ang kabuuang bilang nito ngayon ay 144. D. ANIN

292

Related posts

Leave a Comment