MALABO umano ang rekomendasyon ng isang mambabatas na magsagawa ng bidding at ibenta na lamang ang mga military golf course para may magamit ang gobyerno sa kanilang mga hakbang sa pagtugon sa COVID crisis.
Ayon sa isang senior military official, malabo ito dahil covered ng batas na kasama sa mga retention areas ang golf courses.
Isa pa sa mga legal na aspeto na binanggit ng opisyal ang kaso ng Camp Gen. Emilio Aguinaldo na nasa bahagi ng Epifanio Delos Santos Ave. sa Quezon City na pag-aari ng mga Ortigas.
“Sa case ng Aguinaldo, pag-aari ng mga ortigas yan at nasa deed of donation na if the area is no longer needed as part of a camp, it will revert back to the owners or the donor.
Nabatid na may nauna na ring mambabatas na naghain ng resolusyon na kahalintulad ng mungkahi ni Cong. Edcel Lagman na kung saan ay dinaluhan ng abogado ng mga Ortigas at hindi ito nagtagumpay.
“May nag-file na dati nyan sa congress, naka-attend ako sa hearing at di nag- prosper yan kasi covered ng batas na kasama sa mga retention areas ang mga area ng golf courses,” anang opisyal.
Nabatid na bukod sa golf course ay may mga military use or purpose ang mga malawak na lupain. “Mga needed vacant spaces ng military camps for contingency. Usually mga low lying at water catch basin ang mga golf course sa loob ng kampo. Kaya may creek at water hazards.”
“It is part of our military diplomacy. Military golf courses are self sustaining and does not get funds from Government budget,” ayon pa sa opisyal.
“All military golf courses and open grounds are evacuation areas during calamities,” pagtatapos pa nito. JESSE KABEL
256 