Dahil hindi agad nasagot ang tawag, ex-Cong. nag-alburoto QC COUNCILOR LAMOG SA NETIZENS

INULAN ng batikos ng netizens si dating congressman at ngayon ay Quezon City Councilor Winnie Castelo makaraang i-post sa social media ang kanyang himutok nang hindi umano agad sagutin ng dalawang health workers ang kanyang text at tawag.

Agad namang binura ng konsehal ang kanyang post nang kuyugin siya ng netizens na hindi nagustuhan ang tila pamamahiya niya sa mga itinuturing na frontliner sa paglaban ngayon ng bansa sa pandemyang COVID-19.

Ayon kay Castelo sa kanyang Facebook post:

“Mabuti pa si Mayor Joy Belmonte, Disaster Head Myke Marasigan at Task Force Chair Ludovico sumasagot sa text at tawag kahit napaka-busy.

Ganyan dapat ang public officials pag krisis. Pero ang hepe ng QC Health na dapat manguna sa laban sa COVID19 si Dr. Arias at Dr Rolly Cruz wala. Deadma sa text at tawag.  Gusto ko lang tumulong.

At this time of crisis, public officials should be transparent, responsive and accountable to assure the restive public.

Taxpayer din ako. Mahal ko ang QC. Ang QC ngayon ang pinakamataas na kaso ng COVID19. Di na ako nagtataka. Kung ako na empleyado di pinakikinggan ano pa kaya ang ordinaryong tao?

Nasaan na si Dr Arias at Dr Cruz ang mga hepe ng QC Health Dept laban sa COVID19?”

Agad namang nag-react dito ang anak ni Dr. Arias na si Rica Arias na nag-post din sa Facebook ng:

“A GOVERNMENT OFFICIAL SHAMING OUR HEALTH WORKERS ‼️‼️‼️

Dra. Arias, my mom hasn’t been home for a number of days because of her duties as a front liner for the citizens of

Quezon City, above this, she is a cancer patient who is immunocompromised and has a very high risk of acquiring the disease.
Kahit kami mismo na pamilya niya di siya ma contact kaka serbisyo niya sa mga tao.

Then there goes this government official attacking her for merely not being able to answer calls because of how busy she is.

You of all people should understand their duties as healthcare workers especially all the things they handle with this pandemic.

You of all people should appreciate their hard work.

Pag sa ibang bagay, nagagamit niyo power niyo as government officials, pero pag di lang masagot tawag, di niyo mapuntahan personally?

‘Wag sa Facebook konsi, wala Facebook si Dra., andon siya, busy mag serbisyo sa mga tao hindi sa PULITIKO

NEVER SHAME THE HEALTH CARE WORKERS LALO NA’T SILA NAG TTRABAHO PARA SA MGA PINAG MAMALAKI NIYONG PROJECTS “NIYO” NGAYON.”

Kung inulan ng batikos ang post ni Castelo, umani naman ng positibong reaksyon sa netizens ang post ni Rica.

Ayon sa netizens, halatang iniiwas ni Castelo ang pansin ng publiko sa isyu ng kapalpakan ng QC LGU at negatibong mga isyu laban kina Mayor Belmonte at Marasigan. Ngunit nagkamali siya sa kanyang plano dahil nag-backfire ito sa kanya.

Narito ang reaksiyon ng ilang netizens hinggil sa pag-aalburoto ni Castelo sa Facebook:

Go Ra: “Pinababango mo pa pangalan ng mayora mo huh?! Hindi mga tanga mga taga-kyusi. Kung tutuusin yung mayora mo invisible. Inuna ng mayora mo crematory kaysa i-isolate ng PUM at PUI.” Agustin Litong: “Yang Winnie, castelo, Sonny. Castelo Donny matias, danny liban, marivic co. Pilar, atbp. mga KONSEHANGAL Na KuPALL. Dto sa QC. MGA KUPAL NA EPAL NA PAPANSIN YANG MGA INUTIL NA YAN. NASAN SILA. NGAYON PARA maglingkod DAW at tumulong.

E kung Kampanya at Sarili Nlang. Pakupal. Kupal dto sa. QC eh. Nakabalandra lahat ng mga mukha at Pngalan. NLA sa mga pader, sasakyan. At kung San Pa Eh. Ngayon NASAAN YANG MGA KUPALITIKONG MGA KONSEHANGAL NA YAN.”

Hajji Pranada: “Kupal ka Winnie Castelo. Nakuha mo pang mangganyan ah. You just don’t call out someone na ginagawa trabaho nila. Punyeta ka, mas valuable sa kahit na anong aspekto ang mga healthcare professional kesa sa mga pulutikong kagaya mo.”

Arnie Vasquez: Nakakahiya ka Winnie Castelo. Mataas kaso ng QC dahil hindi effective ang LGU, kasama ka don. And hindi ba ground for frontliners discrimination tong ginawa mo? Walang burahan ng post. Balik mo post mo.”

Amante Monteiro: “A city councilor of Quezon City is shaming our healthcare workers. Hindi ba niya naisip na nasa frontlines sila at ipprioritize ang crisis kesa i-entertain ka? Nakakahiya ka Winnie Castelo!”

Ani Krys Bobila Buzard: “Winnie Castelo read this : Gusto mo pang gawing hotline mga Doctor? Ano ibig mo Sabihin habang nag checcheck up ng mga pasyente kada tawag nyo sasagutin? Aalisin PPE? Mga bwisit kayo, Doctor ang anak ko pati private number nya at ibang kapwa Doctor ipinost pa sa Facebook dyan sa Quezon City. Wala kayong isip kung hindi mamolitika…i want my son to resign but he doesn’t want to back out. I don’t need a hero, I want my son alive.

It’s not worth dying for puro pamumulitika, siraan at ang titigas ng mga ulo ng ibang tao Ayaw sumunod sa batas.”

Magugunitang inihayag ni dating Department of Interior and Local Government (DILG) chief Rafael Alunan III na dapat i-takeover na ng Inter-Agency Task Force for the Management of Emerging Infectious Diseases (IATF-MEID) ang Quezon City local government.

Ito ay dahil sa mahinang pagtugon ng lokal na pamahalaan sa mga problemang kinakaharap ng lungsod partikular sa pagsugpo sa COVID-19.

“The IATF should take over. The QC LGU can’t handle the problem. More will die at the rate it’s going,” nakasaad sa post ni Alunan.

Bukod dito, inupakan din ng maraming taga-lungsod ang pagpapapila sa mga miyembro ng TODA sa city hall upang kunin ang ayudang dalawang libong piso mula sa lokal na pamahalaan na nagdulot ng paglabag sa social distancing na isa sa mga mainam na panlaban kontra sa pagkalat ng lubhang nakahahawang virus.

Puna ng mga residente, dapat sana ay ipinadaan na lamang ito sa mga presidente ng kanya-kanyang TODA na maaari namang saksihan ng barangay officials sa halip na pinapila ang mga driver na mistulang nangangampanya ang mga taga-city hall.

Ayon pa sa ayaw magpakilalang miyembro ng TODA sa takot na maipatawag ni Mayor Belmonte, dapat daw ipakita ng mga opisyal ng Quezon City and sinserong paglilingkod sa mga mamamayan nito at huwag gamitin ang krisis para lang sa pansariling political interest at political mileage.

Sa halip na protektahan, mistulang inilagay pa umano sa peligro ang milyon nitong residente dahil kapag nagkahawaan sa palengke at pagpila ng mga TODA sa city hall, tiyak na mabilis kakalat ang COVID-19.

Bukod dito, malinaw umanong nilabag ng Quezon City Disaster Risk Reduction and Management Council (QCDRRMC) ang Bayanihan law.

Ang QCDRRMC ang pangunahing sangay na nangangasiwa sa pagpapatupad ng “risk reduction” kagaya ng social distancing at enhanced community quarantine.

Ilang ulit nang naging laman ng mga batikos sa social media ang mga ‘maling’ pamamalakad ni Mayor Belmonte sa gitna ng paglaban ng pamahalaan sa health crisis na ito.

“This is exactly why Quezon City has the highest number of cases in the whole country, with the LGU too weak to implement ECQ protocols,” sabi pa ng isang netizen. SAKSI NGAYON NEWS TEAM

242

Related posts

Leave a Comment