HATID NG MERALCO – LIWANAG SA LSI SHELTERS

Makikita sa larawan ang mga kawani ng Meralco kung saan nagsasagawa sila ng energization work sa Cultural Center of the Philippines  Complex, Pasay City, upang mabigyan ng tuloy-tuloy na serbisyo ng kuryente ang mga container van na nagsisilbing temporary shelters para sa mga Locally Stranded Individuals o  LSIs.

Kasama sa trabahong ito ay ang pagtayo ng anim na concrete poles at ang pagkakabit ng halos 350-meters ng bundled wires. Ang LSI facility na ito ay isa sa mga mahahalagang establisyamento sa franchise area ng Meralco na binibigyang prioridad sa pagbibigay ng ligtas, at maaasahang daloy ng kuryente, lalo na ngayong panahon ng pandemya.

213

Related posts

Leave a Comment