Kabilang ang ilang karatig na lugar METRO MANILA BALIK MECQ SIMULA SA MARTES

ISASAILALIM muli sa Modified Enhanced Community Quarantine (MECQ) ni Pangulong Rodrigo Duterte ang Metro Manila, Bulacan, Laguna, Cavite at Rizal mula Martes, Agosto 4 hanggang Agosto 18.
Ito ay base sa rekomendasyon ni Department of Health Secretary Francisco Duque III matapos nitong makausap ang grupo ng mga medical worker.
Agad namang  inanunsyo ng pangulo ang pagbabago sa community quarantine sa National Capital Region matapos niyang makapulong ang ilang miyembro ng gabinete dahil sa panawagan ng health workers na higpitan muli ang ipinatutupad na quarantine para mapigilan ang bugso ng pagsirit ng COVID-19.
Kasabay nito ay umapela ang pangulo sa mga health worker na intindihin ang lagay ng gobyerno dahil kailangan din aniya na balansehin ang lahat lalo na ang pakonti-konting pagbubukas ng ekonomiya.
Tiniyak din ng pangulo na pinag-aaralan na nito ang hiling na karagdagang benepisyo sa mga health worker. (CHRISTIAN DALE)
200

Related posts

Leave a Comment