11 patay, 40 sugatan JOLO NIYANIG NG KAMBAL NA PAGSABOG

SULU – Niyanig ng magkasunod na pagsabog ang bayan ng Jolo sa lalawigang ito, ngayong tanghali na ikinamatay ng labing isa katao at umakyat na sa 40 ang sugatan, ayon sa inisyal na ulat ng militar at pulisya.

Bandang alas-11:53 ng tanghali kanina nang mangyari ang unang pagsabog sa harap ng Paradise Food Plaza sa tabi ng Syntax computer shop sa bisinidad ng Barangay Walle d City sa Jolo.

Ayon sa inisyal na ulat, anim ang agad namatay habang lima ang malubhang nasugatan sa insidente.

Kasunod nito, agad inatasan ang AFP at PNP Explosive and Ordnance Division para mag-fanning sa area dahil sa pinangangambahang secondary explosion na ‘signature’ ng mga terosistang grupo

Gaya ng pinangambahan, bandang ala-una ngayong hapon, isa na namang malakas na pagsabog ang yumanig sa Barangay Walled City.

Ayon sa ulat ng Joint Task Force Sulu, nangyari ang secondary explosion sa harap ng isang sangay ng DBP sa kabilang kalye lamang kung saan nangyari ang unang pagsabog.

“While the elements of PNP SOCO were conducting crime scene processing at the first blast, a secondary explosion transpired at the opposite road particularly at the front of DBP Bank,” ayon sa Sulu PPO.

Agad inatasan ni PNP chief, General Archie Francisco Gamboa si PRO BAR chief, P/BGen. Manuel Abu na ikordon ang area at agad na pasimulan ang malalimang imbestigasyon. (JESSE KABEL)

118

Related posts

Leave a Comment