Bwelta sa pagtutol ng Senado sa e-powers kay Duterte HINDI ITO PATAASAN NG IHI – DEFENSOR

“WE are here to provide a healthcare system that our people deserve. The work we are doing is not only for us but for the future of our children. Hindi ito pagalingan o pataasan ng ihi”.

Ito ang pahayag ni Anakalusugan party-list Rep. Mike Defensor matapos barilin agad nina Senate President Vicente “Tito” Sotto III at Senate minority leader Franklin Drilon ang mungkahi ng kanyang pinamumunuang House committee on public account na bigyan ng emergency powers si Pangulong Rodrigo Duterte para mabilis na mareporma ang Philippine Health Insurance Corporation (PhilHealth) na batbat ng katiwalian.

Dismayado si Defensor dahil hindi pa aniya inilalabas ng kanyang komite ang panukalang batas para bigyan ng dagdag na kapangyarihan si Duterte ay agad itong ibinasura sa Senado.

Ayon sa mambabatas, ang pagkontra ng ilang senador sa kanilang mungkahi ay tila taliwas sa kanilang committee report na kailangan ang agarang rebyu Β at inspeksyon sa financial life ng PhilHealth dahil sa kanilang natuklasang katiwalian.

“They say it’s extremely urgent and yet they deny the need for emergency powers for this to be accomplished,” ani Defensor kaya sinabi nito na “Some members of the Senate are a bit confused as to where they stand as regards PhilHealth”.

Ayon sa kongresista, tanging emergency power ang paraan upang mapabilis ang reporma sa PhilHealth bago maubos ang pondo ng nasabing ahensya dahil sa katiwalian. (BERNARD TAGUINOD)

217

Related posts

Leave a Comment