P8.12-M PANANIM SINIRA NG 2 BAGYO

MAHIGIT P8.12 milyong halaga ng palay, mais at iba pang high value crops ang sinira ng nakaraang Typhoon Depression Nika at Ofel na dala ng Southwest monsoon na nagresulta ng patuloy na malakas na buhos ng ulan na nagdulot ng mga pagbaha at nagpalubog ng mga sakahan.

Umabot sa 530 magsasaka ang naapektuhan sa paglubog ng 535 ektaryang mga sakahan na umabot ng 409 MT volume ang nasirang mga produkto.

Inaalam pa kung madaragdagan ang nasabing halaga ng nasirang mga pananim.

Inaalam din ng DA Regional Field Offices ang naapektuhang mga rehiyon na nasira at nawalan ng mga pananim, alagang hayop, palaisdaan gayundin ang farm infrastructures at mga gusali para mabigyan ng panandaliang tulong ang apektadong mga magsasaka at mangingisda. (JOEL O. AMONGO)

363

Related posts

Leave a Comment