SENADO MAY KARAPATAN SA VFA – LACSON

Samantala, ipinaalala ni Senador Panfilo Lacson kay Pangulong Rodrigo Duterte na nakasaad sa Konstitusyon na may kapangyarihan ang mga senador sa kasunduan tulad ng Visiting Forces Agreement (VFA).

Ayon sa senador, malinaw na nakasaad sa Saligang Batas ang karapatan ng Senado sa pagpasok ng pamahalaan sa mga pandaigdigang tratado lalo na kung nakasalalay ang pangmatagalang kapakanan at interes ng bansa, katulad ng VFA.

Iginiit din ni Lacson, chairman ng Senate Committee on National Defense, na mas epektibo kung ang paghahatid ng mensahe ay ipinaabot sa pamamagitan ng madiplomasyang pamamaraan.

“I may not be a lawyer like the president. But last time I read the Constitution, a senator has something to do with international agreements. The president should refresh his memory by reading Article VII, Sec. 21 of the 1987 Constitution. It says: No treaty or international agreement shall be valid and effective unless concurred in by at least two-thirds of all the Members of the Senate,” sabi ni Lacson.

Isiniwalat din ng mambabatas na noong Marso 2020, naghain ng petisyon ang Senado sa Korte Suprema para pag-aralan kung kailangan ang concurrence ng Senado para tapusin ang tratado natin sa ibang bansa, gaya ng VFA.

Noong 2018, naghain ng Senate resolution ang 14 senador na nagsasaad na kagaya sa pag-apruba ay dapat na two-thirds vote din ang dapat makuha sa mga miyembro ng Kapulungan bago mapawalang-bisa ang isang tratado. (NOEL ABUEL)

155

Related posts

Leave a Comment