Sa pagpapatuloy ng suporta nito sa gobyerno at pribadong sektor sa laban kontra COVID 19, pinailawan ng Meralco ang bagong COVID 19 Vaccination Facility na matatagpuan sa Champaca Subdivision II, Parang, Marikina City.
Bahagi ng proyektong ito ang paggawa ng bagong pasilidad na paglalagyan ng mga metro, pagtatayo ng bagong 15-metro kataas na konkretong poste, at dalawang (2) 50-kVA distribution transformers.
Ang bagong vaccination facility na ito ay isa sa mga mahahalagang COVID 19 testing, quarantine at vaccination facilities sa loob ng franchise area ng Meralco na binibigyan ng mataas na prayoridad na magkaroon ng sapat, at ligtas na serbisyo ng kuryente.
Sa kasalukuyan, nasa higit 90 na ang bilang ng mga pasilidad para sa COVID-19 na pinailawan ng Meralco.
Kabilang dito ang mga ahensya ng gobyerno, mga pampubliko at mga pribadong ospital, laboratoryong ginagamit sa testing, pasilidad para sa quarantine, at mga treatment center.
Marikina Vax Facility 1

Marikina Vax Facility 2
229 
