CAMANAVA ACTIVE COVID CASES, HALOS 3K NA

MULING nakapagtala ng 10 namatay sa COVID-19 ang CAMANAVA (Caloocan, Malabon, Navotas, Valenzuela) area noong Marso 18, habang patuloy ang paglobo ng active cases na umabot na sa 2,895.

Sa Caloocan City, anim ang namatay dahil sa pandemya at 931 na ang active cases. Umabot naman sa 16,022 ang total confirmed cases sa siyudad. Sa bilang na ito ay 14,577 na ang gumaling at 514 ang namatay.

Isang naman ang binawian ng buhay sa Barangay Tonsuya, Malabon City sa nasabing araw, 39 ang nadagdag na confirmed cases, at sa kabuuan ay 7,938 na ang positive cases sa siyudad, 599 dito ang active cases.

Habang 76 pasyente ang nadagdag sa bilang ng mga gumaling at sa kabuuan ay 7,056 na ang recovered patients ng lungsod at 283 ang pandemic fatalities.

Isa rin ang patay sa nasabing petsa sa Navotas, kung saan 744 ang naitalang active cases matapos na 55 ang gumaling habang 49 ang nagpositibo sa swab test.

Sumampa na sa 6,993 ang tinamaan ng COVID-19 sa lungsod.  Sa bilang na ito ay 6,035 na ang gumaling at 214 ang namatay.

Dalawa naman ang patay sa Valenzuela City dahil sa pandemya at umakyat sa 621 ang active cases makaraang 178 ang magpositibo at 82 lamang ang naitalang nakarekober hanggang alas-11:00 mg gabi noong Marso 18.

Umakyat na sa 11, 237 ang confirmed cases sa lungsod, sa bilang na ito ay 10,320 na ang gumaling at 296 ang namatay. (ALAIN AJERO)

267

Related posts

Leave a Comment