SMUGGLED YOSI, SABAT SA DAVAO

PUMALO sa P27.6 milyong halaga ng mga ipinuslit na sigarilyo ang nasabat ng mga operatiba matapos ang isang pinagsanib na operasyon ng Bureau of Customs (BOC) at Philippine National Police (PNP) sa Barangay Aplaya, bayan ng Hagonoy sa lalawigan ng Davao del Sur.

Bukod sa 690 kahon ng smuggled na sigarilyo, kumpiskado rin sa suspek na nakilala sa pangalang Tapsaren Alibasa ang dalawang kargadong baril – isang kalibre .45 at .9mm.

Sa ulat ng Police Regional Office (PRO) 11, nasakote ng pinagsanib na elemento ng Regional Special Operation Group–Regional Police Drug Enforcement Unit (RPDEU) 11, Hagonoy Municipal Police Station (MPS), Integrity Monitoring Enforcement Group (IMEG) at BOC ang suspek na umano’y nabilhan ng mga operatibang nagpanggap na buyer ng mga smuggled na sigarilyo.

Sasampahan ng patong-patong na kaso ng paglabag sa Republic Act 10863 (Customs Modernization and Tariff Act) at Comelec gun ban ang 47-anyos na suspek.

226

Related posts

Leave a Comment