ABOT-KAYANG PRESYO NG BIGAS, BABOY PANATILIHIN

HINIMOK ni Sen. Grace Poe ang economic team ng gobyerno na tiyaking mananatiling abot-kaya ang presyo ng karne ng baboy at bigas kasunod ng kanilang rekomendasyon na babaan ang taripa nito na magreresulta rin sa pagkawala ng kita ng pamahalaan.

“Our people expect the government’s economic team to live up to their avowed tenet of fiscal responsibility by seeing to it that actual benefits trickle down to Filipino families and not just to importers,” pahayag ni Poe.

“Will the tariff slash actually result in lower prices in public markets and groceries? Can the people actually feel it?” dagdag ng senadora.

Ayon kay Poe, ang mawawalang kita ay maaring makaapekto sa pondo sa susunod na taon na sisimulan nang talakayin ng Kongreso pagsapit ng Agosto.

Sa ilalim ng Executive Order (EO) 135, pansamatalang ibinaba ang taripa sa bigas sa 35 porsiyento mula sa kasalukuyang 40 porsiyento para sa in-quota import at 50 porsiyento naman sa out-quota import.

Sa EO 134, binago rin ang taripa sa imported pork product. Ang bagong taripa sa pork import sa ilalim ng minimum access volume (MAV) ay magiging 10 porsiyento para sa unang tatlong buwan at 15 porsiyento sa susunod na siyam na buwan.

“Our people need all the help they deserve. Hirap na hirap na sila sa gitna ng pandemya,” dagdag pa ni Poe. (ESTONG REYES)

285

Related posts

Leave a Comment