DRUG PERSONALITY ITINUMBA SA KALSADA

PATAY ang isang tricycle driver nang paulanan ng bala ng hindi kilalang mga suspek habang sugatan ang barangay tanod na nakasaksi sa insidente noong Lunes sa Malabon City.

Kinilala ang biktimang si Ruben Samaco Jr., 42, ng #14-C Borromeo St., Brgy. Longos sanhi ng mga tama ng bala sa ulo at katawan.

Habang si Christopher Oliver, 34, tanod at fire volunteer, ng Blk. 3, Lot 13, 1st St., Brgy. Tañong, ay isinugod sa Tondo Medical Center dahil sa tama ng bala sa kaliwang balikat at paa.

Ayon sa pulisya, naglalakad si Samaco sa Interior Borromeo St. dakong alas-11:45 ng gabi nang ratratin ng hindi kilalang gunman.

Minamaneho naman ni Oliver ang kanyang tricycle papalapit sa naturang lugar ngunit umatras nang masalubong ang ilang tambay na nagtatakbuhan patungong Adelia Street.

Nang patungo na sa Adelia St., dinampot ni Oliver ang isang magazine ng .45 caliber pistol ngunit sinigawan siya at binaril ng isa pa sa mga suspek.

Bagama’t sugatan si Oliver, nagtago siya sa bahay ng isang Dominador Baronda, bago humingi ng tulong sa pulisya at mga barangay official.

Napag-alamang si Samaco ay nakulong sa Malabon City Jail noong 2016 dahil sa ilegal na droga at nakalaya matapos makapagpiyansa. Na-rehab din ito ayon sa kanyang ama. (ALAIN AJERO)

354

Related posts

Leave a Comment