CLICKBAIT ni JO BARLIZO
SABI nga ng ating mga lola, “Kung saan may usok, malamang may ihaw-ihaw—ay, apoy pala!”
Aba, ano itong umiikot na tsika na sa kabila ng sunod-sunod na accomplishments at magagandang balita sa Bureau of Customs sa pamumuno ni “Kume Nepo” ay may kabalbalang pilit sumisingaw. Sinusubok ba ang one-strike policy ng magiting na komisyoner partikular nitong kilabot na Adwana Duo?
Fresh off the press at nagkakagulo na naman ang mga Maritess at Marisol of the Philippines! Akala raw kasi nila ay naglaho na ang kababalaghan sa ahensya dahil sa “reporma,” pero sus ginoo, tumataginting na P10M daw ang involved na “pasasalamat” kamakailan para sa tinatawag nilang si “Direk C.” At sino naman ang tagakolekta ng pa-premyo? Walang iba kundi ang kanyang ever-reliable sidekick na si Agent “P”. Hindi si Papa P ‘yan ha, as in Piolo Pascual!
Pero wait, there’s more! Bago pa raw ang P10M show na ito, nagpa-unli-blessings na pala ang ating dalawang bida. Ayon sa isa pang tsika, nakatanggap na raw agad ng dambuhalang halaga ang dalawang opisyal bilang “magic fee.” Ang kapalit? Ipalalabas lang naman ang kalahati ng mga nasabat na ilegal na sigarilyo at panatilihing malinis ang pangalan ng taong sangkot para ‘di masampal ng kasong agricultural economic sabotage.
Pero plot twist! Si VIP Smuggler, kahit nakapag-abot na ng pang-maintenance ng dalawa, napahimas pa rin sa rehas! Ang ending: nakulong nang WALANG PIYANSA. O di ba, scammed ang lolo niyo!
Dahil dito, ang dating silent-mode na suspek, naging opera singer na sa galit! Pitong buwan daw siyang pinaasa ng dalawa na “sagot ka namin, brod,” pero hanggang ngayon, nabulok na sa selda. Kaya ayun, kumanta na si sir ng buong playlist!
Ang tanong ng bayan ngayon: Ano na ang gagawin mo rito, Kume Nepo?
Pakihanap ang magtandem na ‘Hudas’. Sisirain ng mga ‘yan at dudungisan ang maganda nyo’ng accomplishments. Damay pa ang matitino sa ahensya.
Abangan natin ang susunod na kabanata sa Usok sa Adwana!
79 