SASABAK sa US Open juniors’ singles event si Filipina tennis sensation Alex Eala para sa Βinaasam na ikatlong Grand Slam title.
Dahil nakakuha ng “bye” sa opening round ng girls’ singles event, awtomatikong umabante ang 16-year-old netter sa second round kung saan makakalaban nito si ΒAmerican Charlotte Owensby.
Second seeded ang Rafa Nadal Academy scholar at Globe Ambassador na Pinay kaya’t Βnabigyan ng bye sa nasabing torneo.
Target ni Eala na mapasakamay ang unang Grand Slam singles title. Matatandaan na ang dalawang Grand Slam titles niya ay pawang sa doubles event.
Nakatakdang magharap sina Eala at ΒOwensby ng 11:00 ng gabi (Manila time). (ANN ENCARNACION)
202 