AMELIORATION PROGRAM, POSIBLENG PUMALPAK

NANGANGAMBA si Senador Ping Lacson na mabigo ang gobyerno na makamit ang tunay na layunin ng Social Amelioration Program na matulungan ang mga pamilyang nahihirapan sa gitna ng lockdown.

Ito anya ay kung hindi aayusin ng Department of Social Welfare and Development at iba pang ahensya ang kanilang mga sistema.

“Unless immediate adjustments are made by the DSWD and other support agencies, I’m afraid the very purpose of the Social Amelioration Program and the disbursement of the P200 billion will not be accomplished,” saad ni Lacson.

Nakatatakot anya na sana ay hindi mangyari ay magkaroon pa ng social problem dahil sa kawalan ng kita bunsod ng pagtigil ng mga aktibidad ng negosyo na nakaapekto sa malawakang bahagi ng mga daily wage earners.

Sa kasalukuyang sistema anya, pangangasiwaan ng mga lokal na pamahalaan ang mga datos para sa P200-billion cash aid program sa mahihirap na pamilya bago isalang sa vetting process ng DSWD at iba pang national agencies.

Tinawag ito ni Lacson na paulit-ulit na pagkakamali kung saan ngayon pa lamang anya ay marami na ang nagrereklamo  dahil sa mali-maling impormasyon o datos.

“We should all learn from Albert Einstein when he defined insanity as doing the same thing over and over again but expecting different results,” saad pa nito. DANG SAMSON-GARCIA

209

Related posts

Leave a Comment