UMAPELA ang isang senador sa mga local government unit (LGU) na ayudahan at tiyakin na nabibigyan mg kaukulang tulong ang kanilang nasasakupan.
Panawagan ni Senator Christopher Bong Go na hindi ito panahon ng pulitika at walang dapat piliin kung sino ang mga tutulungan.
Ayon kay Go, survival na ang pinag-uusapan sa sitwasyon ng COVID-19 dahil maging ang malalaki at mayayamang bansa may tinamaan din.
Kaugnay nito, muling nanawagan si Go sa sambayanan na makinig sa gobyerno, manatili sa loob ng bahay para hindi mahawa at hindi na kumalat pa ang virus.
Matatandaang una nang nanawagan si Go sa Executive branch na bilisan na ang pagri-release ng pondo sa mga LGU para makatulong sa pangangailangan ng bawat pamilyang nagugutom na. NOEL ABUEL
191 