ANGKAS SA MOTOR PATAY SA BARRIER

CAVITE – Patay ang angkas habang kritikal ang driver makaraang sumalpok ang kanilang motorsiklo sa concrete barrier sa Trece Martires City sa lalawigang ito, noong Lunes ng gabi.

Isinugod sa General Emilio Aguinaldo Hospital ang biktimang sina Ken Perez, nasa hustong edad, may asawa, construction worker, at Jerson Villamor, 29, binata, ngunit idineklarang dead on arrival ang una.

Ayon sa ulat ni P/SSgt. Bryan Jay Comia ng Trece Martires City, dakong alas-11:50 ng gabi nang mangyari ang insidente habang binabagtas ng mga biktima ang Brgy. Hugo Perez sa nabanggit na lungsod.

Hindi napansin ng mga ito ang concrete barrier sa gitna ng kalsada kaya sumalpok ang motorsiklo.

Kapwa isinugod ang mga biktima sa pagamutan ngunit hindi umabot nang buhay si Perez. (SIGFRED ADSUARA)

274

Related posts

Leave a Comment