‘KILLER’ NG KAGAWAD NABITAG

BATANGAS – Natimbog ang isa sa dalawang barangay tanod na responsable sa pagpaslang sa isang barangay kagawad, sa ikinasang follow-up operation ng mga awtoridad nitong Martes ng umaga sa Lipa City.

Ayon sa Lipa City Police, kinilala ang nadakip na si Jeffrey Rogales y Rosales, 35, residente sa Brgy. Antipolo del Sur, Lipa City.

Agad nagsagawa ng follow-up operation ang pulisya makaraang barilin ng isa sa dalawang barangay tanod ang biktimang si Rene Laylo, 60, nakatira rin sa nabanggit na lugar matapos ang mainitang pagtatalo.

Kasalukuyan namang nagsasagawa ng dragnet operation ang mga awtoridad para sa ikadarakip sa isa pang suspek na si alyas “Jack”. (CYRILL QUILO)

162

Related posts

Leave a Comment