KINUMPIRMA ni Interior Sec. Jonvic Remulla na posibleng nasa Vietnam ang negosyanteng si Charlie Atong Ang.
Sa panayam sa mga mamamahayag sa Kampo Crame, sinabi ni Remulla na namataan umano si Ang noong nakaraang buwan.
Ayon sa kalihim, posibleng dumaan sa “backdoor” ang gaming tycoon upang makatakas sa batas.
Matatandaang may warrant of arrest si Ang kaugnay ng umano’y pagiging utak sa pagdukot at pagpatay sa mga nawawalang sabungero at ilang empleyado mula 2021.
Nauna nang sinabi ng kalihim na posibleng nagtago si Ang sa tinaguriang “Golden Triangle” upang maipagpatuloy ang kanyang negosyo. Gayunman, itinanggi ng Cambodia na may record ng kanyang pagpasok sa kanilang bansa.
Sinimulan na rin ng pamahalaan ang informal backchannel talks sa Vietnam upang matukoy ang kinaroroonan ng negosyante.
(TOTO NABAJA)
46 