PAGDINIG SA MGA PETISYON KONTRA GAA 2024-2026 GUMULONG SA SC

SINIMULAN ng Korte Suprema ang pagdinig sa pinagsamang mga petisyon na kumukuwestiyon sa ilang probisyon ng 2024, 2025 at 2026 General Appropriations Act (GAA).

Sa oral arguments, humarap ang mga kinatawan ng pamahalaan at mga petitioner upang talakayin kung naaayon sa Konstitusyon ang ilang bahagi ng pambansang badyet.

Dumalo bilang amici curiae sina Winnie Monsod, Florencio Abad, dating Senate President Franklin Drilon, at Benjamin Diokno.

Layunin ng kanilang partisipasyon na magbigay ng karagdagang pananaw at ekspertong opinyon upang matulungan ang Korte Suprema sa pagresolba sa mga isyung konstitusyonal hinggil sa pambansang badyet.

Naglatag ang mga ito ng mga argumento kaugnay sa paggamit ng pondo ng bayan, proseso ng budget, at pagsunod sa prinsipyo ng checks and balances.

(JULIET PACOT)

46

Related posts

Leave a Comment