Isinusulong ng women inventors ‘SINTA’ LABAN SA COVID-19

ITINUTULAK ng Women Inventors Association of the Philippines, Inc. (WIAPI) ang paggamit ng Andrographis Paniculata o Sinta bilang food supplement sa mga pasyente ng coronavirus 2019 (COVID-19) sa bansa. Sa liham na kanyang ipinadala kay Sec. Fortunato Dela Peña ng Department of Science and Technology (DOST) kamakailan, ipinahayag ni Dra. Edinelda O. Calvario ang pagsuporta ng kanilang grupo sa kampanya ng liderato ni Pangulong Rodrigo Duterte na labanan ang global pandemic outbreak. Ani Dra. Calvario, ang kasalukuyang President ng WIAPI, naniniwala ang Women Inventors na ang raw form ng Andrographis…

Read More

REGULASYON NG DOH SA SENIOR CITIZENS, STUPID IDEA – SOLON

TINAWAG ni Senador Panfilo “Ping” Lacson na stupid idea ang regulasyon ng Department of Health (DOH) na nagbabawal sa mga senior citizen na lumabas ng kanilang mga tahanan kahit maging maluwag na ang pinaiiral na community quarantine. Ayon kay Lacson, dapat magpa-eksamin muna ng kanilang utak kay National Center for Mental Health chief administrative officer Dra. Clarita Avila ang ilang mga opisyal ng DOH bago magpalabas ng mga regulasyon. Sinabi ni Lacson na marami sa mga senior citizen ang mas malusog pa at may malakas na immune system kumpara sa…

Read More

MGA LUGAR SA ILALIM NG ECQ BINAGO NG PALASYO

INANUNSYO ng Malakanyang ang revised coverage ng enhanced community quarantine na magsisimula na bukas, May 1 kung saan kasama ang Visayan cities of Bacolod at Iloilo. Inilatag ni Presidential Spokesperson Harry Roque ang mga lugar na nananatili sa ilalim ng ECQ hanggang May 15. Ito, ayon kay Sec. Roque ay ang Metro Manila, Central Luzon maliban sa Aurora, Southern Tagalog Region (CALABARZON), Pangasinan, Benguet, Iloilo kabilang ang Iloilo City, Cebu, Bacolod City at Davao City. Ang iba pang bahagi ng bansa ay magsisimula na sa kanailang “new normal” o general…

Read More

6 PATAY SA TONDO FIRE

ANIM ang deklaradong patay nang sumiklab ang sunog sa Tondo, Manila kaninang umaga. Ayon sa report ng Manila Fire District, ng Bureau of Fire Protection,  nagsimula ang sunog sa 1888 Tioco St. sa panulukan ng Tapuri St., sakop ng Barangay 89 Zone 8 sa unang distrito ng Tondo. Sa ulat ng BFP, bandang 6:37 nang ireport ang sunog sa bahay ng isang Alfredo Estabillo. Nadamay pa ang may 20 pamilya at dakong 7:52 ngayong umaga nang ideklarang fire under control. Sa inisyal na ult, kinilala ang anim na namatay na sina Nathalie Nicole Sorbito, 17; Shane…

Read More

2 PULIS PATAY SA AMBUSH

NASAWI habang nilalapatan ng lunas ang dalawang kagawad ng Philippine National Police makaraang tambangan ng mga hindi pa nakikilalang suspek kamakalawa ng hapon sa Barangay Proper, Polomolok, South Cotabato. Nagawa pang maitakbo  sa  Howard Hubbard Memorial Hospital ang mga biktimang sina P/Cpl.  Witzel Russ Bitantos at Patrolman Bryan Costello, kapwa nakatalaga sa Polomok PNP subalit hindi na naisalba. Ayon kay Police Col. Jemuel Siason, Provincial Director ng South Cotabato PNP, alas 2:00 ng hapon nang isagawa ng mga hindi pa nakikilalang salarin ang pananambang. Lumitaw sa pagsisiyast na nagsasagawa ng…

Read More

COMMUNITY ISOLATION FACILITY BINUKSAN SA NAVOTAS

BINUKSAN ng pamahalaang lungsod ng Navotas noong Martes ang isang community isolation facility (CIF) para sa mga hindi malalang kaso ng COVID-19. Ang nasabing CIF ay ang “converted” na bagong four-story building ng Navotas National High School na ngayon ay may 100-bed capacity. Ang unang palapag ay laan para sa mga buntis o nagpapasusong ina na suspect o probable cases; ang ikalawa at ikatlong palapag ay para sa ibang suspect o probable COVID-19 patients; at ang ikaapat ay eksklusibo sa mga positibong kasong may hindi malalang sintomas. Ang mga pasyenteng…

Read More

NANUHOL NG PULIS, KALABOSO

SA piitan bumagsak ang isang truck driver nang tangkain suhulan ang mga pulis na sumita sa kanya at sa kanyang helper sa checkpoint sa Valenzuela City Ayon sa ulat, alas-2:00 ng madaling araw, minamaneho ni Roldan Otadoy, 36, ng Unit 33, Temporary Housing Building 12, Vitas, Tondo, Manila, ang Isuzu Elf truck (UKS-430) kasama ang helper na si Roderick Bunso, nang parahin sila sa isang police checkpoint sa kanto ng Gov. I. Santiago at Daffodil Streets sa Brgy. Malinta. Ipinaliwanag nina P/MSgt. Gilbert Soriano at P/Cpl. Boui Gamueda, kapwa nakatalaga…

Read More

WELDER PATAY SA KURYENTE

ILOCOS Norte – Basag ang bungo ng isang lalaki makaraang makuryente habang nagwe-welding sa kanilang bahay sa lalawigang ito. Kinilala ang biktimang si Jerry Baga, 43-anyos, residente Brgy. 22, San Guillermo sa bayan ng San Nicolas. Batay sa report ng pulisya, nagwe-welding ang biktima sa kanilang bahay nang makuryente dahilan para matumba ito at tumama ang ulo sa semento. Agad dinala sa Black Nazarene Hospital ang biktima ngunit idineklarang dead on arrival. ANNIE PINEDA 345

Read More

DAYUHAN PATAY SA SELF-QUARANTINE

BATANGAS – Natagpuang patay ang isang Arabo sa loob ng tinutuluyan niyang kuwarto sa bayan ng San Juan sa lalawigang ito, noong Martes ng umaga. Kinilala ng San Juan police ang biktimang si Juma Abdulla Ramadhan Al Suwaidi, 66, United Arab Emirates (UAE) national at pansamantalang nanirahan sa Barangay Bataan. Batay sa report ng mga pulis, noong Martes ng umaga nang makitang wala nang buhay ang dayuhan habang nakahiga sa kama. Ayon sa mga awtoridad, dumating sa bansa ang naturang dayuhan noong nakaraang buwan galing sa UAE at kasalukuyang naka-self…

Read More