DAVAO City – Umabot sa 250 kabahayan ang natupok nang sumiklab ang sunog sa New Society Village sa Barangay Ilang sa lungsod na ito, nitong Miyerkoles ng madaling araw. Ayon kay Davao City Fire District Spokesperson Senior Fire Officer 3 Ramil Gillado, nagsimula ang sunog sa Purok 3-B at 3-C, alas 2:30 ng umaga. Sinabi ni Gillado, nagsimula ang sunog mula sa kisame ng bahay ni Ronaldo Barrio at agad na kumalat sa iba pang mga istruktura. Ayon sa Bureau of Fire Protection (BFP), halos pawang yari sa light materials…
Read MoreAuthor: admin
DISENTENG TIRAHAN SA MGA OFW HINIRIT SA OWWA
HINIKAYAT ni Senador Win Gatchalian ang Overseas Workers Welfare Administration (OWWA) na magbigay ng mas maraming disenteng tirahan para sa pagbabalik ng overseas Filipino workers (OFW) upang matiyak ang kanilang kalusugan at kaligtasan sa panahon ng COVID-19. Tugon ito ng senador sa nakakaawang kalagayan ng mga OFW na nagsisiksikan sa maliit na OWWA shelter house tulad ng ibinahagi ng isang lalaking OFW sa pamamagitan ng social media. “We are placing all OFWs arriving under quarantine in government-sponsored facilities in order to prevent the possibility of wider coronavirus infection in the…
Read MoreP45.8-B VS COVID-19, APRUB SA DBM
PUMAYAG na ang Department of Budget and Management (DBM) na maglabas ng P45.717 bilyong gagamitin ng Department of Health (DOH) laban sa coronavirus disease-2019 (COVID-19). Iniulat ito ni Pangulong Rodrigo Duterte sa Kongreso kung saan sinabi nitong kailangan ng DOH ang P45.717 bilyon upang mapaghusay pa ng kagawaran ang pagsugpo sa COVID-19. Bahagi ang perang ito ng P275 bilyong pondo ng pamahalaan na nakasaad sa “Bayanihan to Heal as One” Law na gagamitin laban sa COVID-19. Isa sa paglalaanan ng DOH sa P45.717 bilyon nito ay ang pagbili ng P1.35…
Read More195 PDLs AT 33 JOs NG BJMP, PATULOY NA NAKIKIPAGLABAN SA COVID-19
INAMIN ng pinuno ng Bureau of Jail Management and Penology (BJMP) nitong Martes sa komite ng mababang kapulungan ng Kongreso laban sa coronavirus disease-2019 (COVID-19) na hindi pa gumagaling ang kanilang 195 persons deprived of liberty (PDLs) at 33 jail officers (JOs) mula sa notoryus pandemya. Sabi ni Chief Supt. Allan Iral sa virtual meeting sa pinuno at mga kasapi ng DEFEAT COVID-19 Committee ng mababang kapulungan na 195 PDLs ang nagpositibo sa COVID-19, mula sa 373 PDLs na isinailalim sa test. Wala pang gumagaling sa kanila, tugon ni Iral.…
Read MoreIMEE: CONTRACTUAL WORKERS TIYAKING BALIK-TRABAHO
HINIKAYAT ni Senador Imee Marcos ang lahat ng employers na tiyaking makababalik sa kani-kanilang trabaho ang mga contractual worker sakaling tuluyan nang payagan ng pamahalaan ang pagbubukas ng mga pribadong kumpanya kabilang na ang mga pagawaan o pabrika. Kaugnay sa paggunita ng Araw ng Paggawa sa darating na Mayo 1, ang panawagan ay ginawa ni Marcos sa pangambang ang mga contractual worker ay hindi na pabalikin ng mga employer sa kanilang trabaho at gawing dahilan ang patuloy na pananalasa ng COVID-19. “Matagal nang exploited ang mga contractual worker kaya sana…
Read MoreRECOVERIES SA COVID-19 HIGIT 1K NA
LAMPAS isang libo na ang bilang ng mga gumaling sa coronavirus disease 2019 sa bansa matapos makapagtala ng 48 recoveries ngayong araw. Batay sa inilabas na case bulletin ng Department of Health (DOH), hanggang alas-4:00, ngayong Miyerkoles ng hapon, 1,023 na ang total recoveries ng nakakahawang sakit sa bansa. May 28 namang pasyente ang pumanaw kaya pumalo na ang COVID-19 related deaths sa 558. Mayroon namang 254 panibagong nagpositibo sa COVID-19 pandemic sa Pilipinas kaya sumampa na sa 8,212 ang bilang ng kumpirmadong kaso nito sa bansa. Pumalo na sa…
Read MoreTREASON SA MGA HINDI MAGTATANGGOL SA WPS
PASOK sa kasong treason ang mga opisyal ng gobyerno na hindi magtatanggol sa teritoryo ng Pilipinas sa West Philippine Sea (WPS) at tila nagdedepensa pa sa China. Ito ang ibinabala ni ACT party-list Rep. France Castro matapos ang tila pagtatanggol pa umano ni Defense Secretary Delfin Lorenzana sa China nang sabihin nito na walang plano ang nasabing bansa na saktan ang Philippine Navy (PN) nang tutukan nila ito ng radar gun kundi tinitingnan lang kung ano ang reaksyon ng Pilipinas sa kanilang ginawa. “Kahit na walang presence ng war with…
Read MoreMALAKANYANG BINATI ANG MGA BAR PASSER
NAGPAABOT ng pagbati ang Malakanyang sa mga pumasa sa bar examinations. Para kay Presidential spokesperson Harry Roque, ngayon ay ‘life-changing moment’ sa lahat ng bar examinees. “The results are out and congratulations to the bar passers as they — together with their parents, friends, and loved ones who believe and supported them in law school — celebrate this moment of triumph,” ayon kay Sec. Roque. Sa kabilang dako, para naman sa mga hindi pinalad na makapasa ay ang payo ni Sec. Roque bilang professor of law, ay huwag hayaan na…
Read MoreBINANGONAN LGU, MAMIMIGAY NG 2K SA MGA PAMILYANG ‘DI BINIGYAN NG DSWD
HINDI mawawalan ng ayuda ang 18,000 pamilya ng Binangonan na hindi nabigyan ng suportang P6,500 ng Department of Social Welfare and Development (DSWD), sapagkat nakatakdang bigyan sila ng P2,000 kada isa ng administrasyon ni Mayor Cesar Ynares. Maliit lang ang P2,000 dahil ang pamahalaang bayan ng Binangonan ay P700 milyon ang badyet para ngayong 2020. Sa P700 milyon kinuha ang P36 milyong ilalaan sa 18,000 pamilya. Maliit lang ang P2,000 kumpara sa P6,500 na ibinigay ng DSWD alinsunod sa Social Amelioration Program (SAP) na isinilang ng Republic Act No. 11469…
Read More