NAKAKATABA NG PUSO

DPA

NAKAKATUWA at nakakataba sa puso na makitang may mga kababayan pa rin tayo na kahit anong hirap ng buhay nila ay iniisip pa rin nila ang kanilang kapwa kahit matindi ang kanilang pangangailangan. Saludo ang inyong DPA as in Deep Penetration Agent sa mga ganitong tao tulad ni Whendy Pido, ng Antipas, North Cotabato na isinoli ang kanyang natanggap na P5,000 mula sa Department of Social Welfare and Development (DSWD) matapos malaman na nakatanggap din ang kanyang mister na na nagtatrabaho sa ibang barangay. Alam natin sa panahon ngayon, marami…

Read More

P613 BILYONG KASUNOD NA AYUDA

Badilla Ngayon

PASPASANG naging batas ang “Bayanihan to Heal as One” nitong Marso 24 na nagbigay ng kapangyarihan kay Pangulong Rodrigo Duterte na malikom ang P275 bilyong pondong gagamitin sa panahong pinaiiral ang enhanced community quarantine (ECQ) sa Luzon dulot ng mapamuksang coronavirus disease 2019 (COVID-19). Ang P275 bilyon ay kinuha sa P4.1 trilyong badyet ng pamahalaan para ngayong 2020. Kaya, walang problema sa pera dahil mayroong pinagkunan ng P275 bilyon at ang pangunahing layunin ng Bayanihan Act ay ang Social Amelioration Program (SAP). Sa SAP na ito, malinaw ang probisyon na…

Read More

RAPID TESTING SA FRONTLINERS NG LAS PINAS

SUMAILALIM sa rapid testing ang mga health worker at frontliners sa Las Pinas City na nakararanas ng sintomas ng COVID-19. Pinangunahan ng Las Pinas City Health Office (LPCHO) ang rapid testing sa mga health worker, Barangay Health Emergency team members, mga tauhan ng Bureau of Jail Management and Penology (BJMP) at iba pang frontliners sa lungsod. “Sisiguruhin po natin ang kalusugan ng ating mga kababayan laban sa virus, kaya  ang lokal na pamahalaan ay bumili na po ng karagdagang test kits na magagamit sa pag-test ng ating suspected cases, health…

Read More

HOMICIDE SA PULIS NA NAKAPATAY SA EX-ARMY

SINAMPAHAN na ng kasong homicide ang pulis na nakabaril at nakapatay sa dating miyembro ng Philippine Army sa isang checkpoint sa Quezon City. Nabatid mula kay Quezon City Police District (QCPD) Director Police Brigadier General Ronnie Montejo, naisalang na sa online inquest proceedings si Police Master Sergeant Daniel Florendo. “We based our findings on the evidence at hand… so ‘yun lang po ang ano kung ano ‘yung evidence na nasa atin, ‘yun lang po ang pinagpasyahan natin para sa inquest proceedings,” ani Montejo. Sinabi pa ni Montejo na homicide lamang…

Read More

DAGDAG PONDO VS COVID-19 APRUB SA SENADO

TINIYAK ni Senador Juan Edgardo “Sonny” Angara na aaprubahan kaagad ng Senado kung kinakailangan ng panibagong supplemental budget upang labanan ang corona virus 2019 (COVID-19) at mabigyan ng kapangyarihan ang Executive Department na gumastos. Sa pahayag, sinabi ni Angara, chairman ng Senate committee on finance na nakahanda ang dalawang kapulungan ng Kongreso, partikular ang Senado, na pagtibayin ang supplemental budget. “If a supplemental budget is needed I’m sure both houses of Congress will hear and pass that to authorize the President and the Executive branch to spend more or to…

Read More

Dahil ipinatayo noong panahon ni Marcos RITM PINABAYAAN NG MGA AQUINO

MISTULANG minaliit at binalewala ng mga nakalipas na administrasyon ang Research Institute for Tropical Medicine(RITM) simula nang ituring at ipares ito sa taong ketongin noong si Corazon “Cory” Aquino ang pangulo ng bansa mula 1987 hanggang 1992. Idiniin ito ni Senadora Maria Imelda Josefa “Imee” Marcos nitong Ika-39 na taong anibersaryo ng RITM. Itinatag ni Pangulong Marcos ang RITM noong Abril 23, 1981, sa pamamagitan ng Executive Order No. 674. Tiniyak noon ni Pangulong Marcos na sentro at pangunahing institusyon ng bansa ang RITM hinggil sa pananaliksik at pag-aaral ng…

Read More

Malakanyang pinaaaksyunan ang sumbong ng mga residente KAPOS NA FOOD PACKS PINASISILIP SA DSWD

IPINASA ng Malakanyang sa Department of Social Welfare and Development (DSWD) ang ilang sumbong na diumano, isang beses pa lamang nakapamimigay ng relief packs sa ilang lugar sa bansa. Ayon kay Presidential spokesperson Harry Roque, sinabihan na ng IATF ang lahat ng lokal na pamahalaan na mag-realign ng kanilang pondo at ibuhos ito sa relief goods para may maibigay na ayuda sa kanilang constituents. Bukod sa calamity fund ng mga LGU ay mayroong development fund ang mga ito na pwedeng gamitin para sa pamimigay ng mga pagkain sa tao. Naibigay…

Read More

PULIS KINONDENA SA PAMAMARIL SA EX-ARMY

DISMAYADO si ACT-CIS Party-List Representative Jocelyn P. Tulfo sa naging asal ng mga pulis na sangkot sa pagbaril at pagkakapatay kay Winston Ragos, retiradong sundalo ng Philippine Army at kumpirmadong mayroong post-traumatic stress disorder. Pabor ang mambabatas na imbestigahan ng Philippine Army Judge Advocate ang kaso at mula sa hanay naman ng PNP, ang National Police Commission ang dapat mag-imbestiga kasama ang PNP-NCRPO. Ayon kay Rep. Tulfo, hindi naging katanggap-tanggap ang komento ng matataas na opisyal ng PNP sa insidente at premature ang ginawa nilang pagdepensa kahit hindi pa kumpleto…

Read More

ECQ SA NCR, IBA PANG REHIYON TULOY HANGGANG MAY 15

TINANGGAP at inaprubahan ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte ang rekomendasyon ng Inter-Agency Task Force (IATF) na manatili ang enhanced community quarantine (ECQ) sa NCR, Region III at iba pang itinuturing na high-risk areas. Sa kalatas na binasa ni Presidential spokesperson Harry Roque, inirekomenda ng Inter-Agency Task Force for Emerging Infectious Diseases (IATF-EID), araw ng Huwebes, Abril 23, ay manatili ang enhanced community quarantine (ECQ) sa National Capital Region, Region III, Region IV-A at sa lahat ng high-risk areas hanggang Mayo 15. Ang mga lalawigan na kinukonsiderang Provinces high-risk ay sa…

Read More