HINDI ko masisisi ang Malacanang na mainis kay Sen. Leila De Lima kaya ipinapa-lockdown nila ang bunganga ng senadora dahil batikos nang batikos pero wala naman yatang naitutulong sa giyera kontra sa coronavirus disease 2019 (COVID-19). Oo nga naman, sana manalangin na lang si De Lima sa loob ng kulungan para mawala na ang virus na ito at makabalik na ang mga Filipino sa kanilang dating normal na pamumuhay. Very updated si De Lima sa mga mangyayari sa labas at lahat ng kilos ng gobyerno ay kaniyang pinupuna at binabatikos…
Read MoreAuthor: admin
LGU OFFICIALS NA INISYUHAN NG SHOW CAUSE ORDER NADAGDAGAN
NADAGDAGAN ang mga lokal na opisyal ng pamahalaan na nais pagpaliwanagin ng Department of Interior and Local Government (DILG) dahil umano sa paglabag sa guidelines ng enhanced community quarantine (ECQ). Nauna nang binigyan ni DILG Secretary Eduardo Año, ng 48-oras para magsumite ng written explanations ang tatlong gobernador at dalawang alkalde. Kalaunan nadagdagan ang mga ito na tinukoy ng DILG na sina Abra Gov. Jocelyn Bernos; Gov. Rhodora Cadiao, Antique; Gov. Jose Maria Zubiri, Bukidnon; Mayor Dino Reyes Chua, Noveleta, Cavite; Mayor Gerry Natanauan, Talisay, Batangas; Mayor Rolen Paulino, Olongapo…
Read MorePPEs, MASKS, GLOVES IHIWALAY SA RESIDUAL WASTES
IMINUNGKAHI ng pamunuan ng Metro Clark Waste Management Corporation (MCWMC) sa gobyerno at publiko na ihiwalay ang mga ginamit na Personal Protective Equipment (PPE), gloves at face masks mula sa kanilang mga residual wastes o basurahan. Ito ang panawagan ng MCWMC, isang world class sanitary landfill sa bansa na nakabase sa Capas, Tarlac at siyang tumatanggap ng mga garbage collection mula sa mahigit 100 lungsod at munisipalidad sa Gitnang Luzon. Ayon kay Victor Hontiveros, MCWMC Vice President for Administration, isang paraan aniya ito upang makaiwas sa banta ng COVID-19 ang…
Read MoreSOLON DISMAYADO SA KAWALAN NG POINT PERSON SA MEDICAL SUPPLIES
ISANG buwan matapos ipatupad ang enhanced community quarantine, wala pang itinatalaga ang Department of Health (DOH) at Inter-Agency Task Force on Emerging Infectious Diseases (IATF-EID) ng isang point person sa paghahanap, pagbili at distribusyon ng medical supplies para sa coronavirus 2019 (COVID-19). Inihayag ito ni Senador Nancy Binay matapos magpahayag ng pagkadismaya sa takbo ng paghahanap, koordinasyon, pagbili, konsolidasyon, pagpapaunlad, at distribusyon ng medical supplies na kailangan laban sa coronavirus pandemic. “Isang buwan na ang lockdown, but no government unit is accountable or anyone from IATF is in-charge of medical…
Read MoreDELAY SA IMPLEMENTASYON NG NATIONAL ID SYSTEM, BUSISIIN
NAIS nina Senate President Vicente “Tito” Sotto III at Senator Panfilo “Ping” Lacson na busisiin ng Senado ang status ng national ID system. Ang kabiguan ng implementasyon ng National ID system ang isa sa sinisisi ng dalawang senador sa delay sa pagpapalabas ng cash aid sa 18 milyong pamilya na apektado ng enhanced community quarantine dahil sa COVID 19. Inihain nina Sotto at Lacson ang Senate Resolution 352 para sa pagsasagawa ng imbestigasyon sa pagbabalik sesyon ng Senado. Ipinaalala ng mga ito na 2018 pa nang maisabatas ang National ID…
Read MoreOPERATING ROOM COMPLEX, IPINANGALAN SA FRONTLINER NA DOKTOR
BILANG pagkilala sa kabayanihan at tapat na paglilingkod, ipinangalan ng isang pagamutan sa yumaong doktor ang isa nitong operating room complex sa Dasmarinas City, Cavite. Si Dr. Ronaldo Mateo, 48, na namatay nitong April 5 matapos ang ilang araw na pakikipaglaban sa COVID-19 ay isa sa mga pioneer doctor surgeon ng Dasmarinas City Hospital at naging head din ng Surgery department. Nagpositibo si Dr. Mateo sa nasabing sakit matapos hawakan ang maraming pasyente simula pa lang ng pagkalat ng Virus. Isinailalim sa quarantine ang doktor subalit habang ginagamot ito ay…
Read MoreSOLON SA ERC: MAGHANAP NG SOLUSYON
KAILANGAN ng pamahalaan na magkaroon ng solusyon upang maibsan ang pasanin ng mga Filipino sa inaasahang mataas na singil sa kuryente pagkatapos ng isang buwang pagpapalawig sa enhanced community quarantine (ECQ). Sinabi ni Senador Win Gatchalian na nababahala ito na maraming ordinaryong Filipino ang posibleng mahirapan sa pagbabayad ng 2-buwang singil sa kuryente kung saan inaasahan na mapuputulan ang mga ito ng kuryente. Idinagdag pa ni Gatchalian, chairman ng Senate Committee on Energy na kailangang kumilos ang Energy Regulatory Commission (ERC) upang maghanap ng solusyon na magpapagaan sa pagbabayad ng…
Read More1.4M manggagawa nawalan ng sahod ngayong ECQ? LABOR LEADERS DUDA SA DATOS NI BELLO
PINAGDUDAHAN ng tatlong beteranong lider-manggagawa ng malalaking organisasyon ng mga manggagawa sa bansa ang inilabas sa media ni Labor Secretary Silvestre Bello III na mahigit 1.4 milyong manggagawa sa “formal sector” (regular at kontraktuwal) ang nawalan ng sahod dahil natigil ang kanilang mga trabaho habang pinaiiral ang enhanced community quarantine sa Luzon at community quarantine sa maraming lalawigan sa Visayas at Mindanao. Sa online interview kay Wilson Fortaleza, tagapagsalita ng Partido Manggagawa (PM), masyadong maliit ang 1,428,841 manggagawang nawalan ng trabaho na inihayag ni Bello sa media. Idiniin ni Fortaleza…
Read MoreDOMINGUEZ INUPAKAN SA DEBT MORATORIUM
HINDI nasiyahan si Senador Imee Marcos sa pagtanggi ni Finance Secretary Carlos Dominguez na magpatupad ng debt moratorium upang magamit ang pondo sa pagsugpo ng coronavirus 2019 (COVID-19). Sa pahayag, nilinaw ni Marcos na ang pagpapatupad ng debt moratorium ay hindi panunuba o pagtalikod ng utang kundi pansamantalang pagpapatigil ng bayarin ng bansa dahil sa malaking problemang kinakaharap sa COVID-19. Ayon kay Marcos, malinaw ang sinabi ni Pangulong Rodrigo Duterte na kung kinakailangang magmakaawa at manghiram ay gawin para mabigyang solusyon ang kasalukuyang malaking problemang kinakaharap ng Pilipinas. Sinabi pa…
Read More